CHAPTER 1 - Hello CEBU
PROLOGUE
Due to a vehicular accident napilitang lumipat ng school si Pinkynne sa province ng mom nya sa Cebu.
Come what may she needs to be tough in order to survive.
Nasa kanya na ang halos lahat
Mayaman
Maganda
Matalino
Naguumapaw na Self-Confidence
Mabait.
Well that was before she got into a traumatic vehicular accident.
Makukuha pa kaya nya ang pagmamahal ng gwapo matalino pero suplado nyang English teacher?
O baka naman ang Chinito Captain ng XYR High?
Pwede ring ang Campus King na Captain ng Basketball team ng School nila?
Read more to find out ....
CHAPTER 1
Kynne's POV
6:15am june 15 ####
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
(ano po ahm tunog po yan ng alarm clock ✌)
Mnmmmmmm dilat isang mata, then pikit ulit.
uduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
tuduttt zzzzz tudutt zzzzzz
ahhhhhhgg sabay takip ng unan sa tenga ko, it's too early. Sino ba nag on ng alarm ko eh as far as i know wala pang pasok. psssssshhh
"kynneeeeeeeeee ... kynneeeeeeeeeeee ..."
tawag ni Bhebs , apo ng yaya ko and at the same time bestfriend ko while knocking.
arghhhhhh kahit kelan talaga panira sa umaga boses ng babaitang to pag gusto ko pang matulog.
"kynneeeeeeeeeeeeee"
then suddenly my king size pink hellokitty water bed imported and personalize by sanrio japan is shaking....
"kynnnnnnneeeeee gisiiiiingggggggggg"
sabay tanggal nya ng pink hello kitty kumot ko.
"Ehhhhhhhh naman Bhebang stop it !!!!" tawag ko sa pangalan nya pagka naiinis ako.
"Uso ang respeto sa mga taong gusto pang matulog sa ganito pa kaagang pandidisturbo no, saka pano ka ba nakapasok dito. psssshhh" sabay kumot uli.
"Aba aba at nangatwiran ka pa, well unang una sa pinto mo ko pumasok, alangan naman sa bintana mo edi nahulog pako kung sakali" sabay hila nya uli ng kumot ko. "Anong oras na oh, baka lang naman nakalimutan mo na ngayon na ang alis natin papuntang province ng mommy mo, and for your information po mahal na prinsesa kanina pa tumawag si tita para ipagising ka kasi pupunta muna tayo sa doctor mo para sa follow up check up nyang sugat mo sa noo bago tayo lumipad." Paglilitanya nya
"Naman Bhebang anong oras palang oh, at baka lang naman nakakalimutan mo na private plane namin ang sasakyan natin, so that only means wala tayong hinahabol na flight" nakairap kong sabi
"Nandun nako sa palusot mong yan Pinkynne Xye Meyer Lopez pero baka lang din nakalimutan nyang sobrang talino mong brain cells ang kunting impormasyon na mamayang 1pm ang alis ng doctor mo papuntang Europe to attend a seminar !!"
"haaays fine !!!! , ill just gonna fix myself then bababa na ko."
"Very good! see ya downstairs bestfriend"sabi nya sabay wink with her pamatay flip ng hair
ewan ko ba kahit anong inis ko sa babaitang to napapasmile nalang ako pag ginamit na nya yang pakyut moves nyang yan sakin.
Hay nako kung di lang kita mahal na bestfriend nun pa kita pinakain sa leon sa zoo di ako mananalo kahit kelan sa rasonan pagdating sa katamaran ko minsan eh. Yes u heard me right. MINSAN lang talaga. MINSAN lang akong DI tamarin bumangon, yan ang weakness ko sa araw araw pag may pasok sa school. Pero kahit ganyan , im proud to say matalino ako. Ok matalino is an understatement kasi matalinong matalino ako, namana ko kay mommy who happen to be a genius.
Okay so much for that baka bumalik ulit yung babaeng may built in megaphone at tuluyan ng masira ang ear drums ko.
Well as usual pagkapasok ko sa banyo andun na lahat ng kailangan ko and after 30 mins tapos nakong maligo. Pink walking shorts paired with white sleeveless blouse and my white 3 inches stilleto ang suot ko, nakalugay lang ang hair ko with a thin pink headband with ribbon on it, i just put a mac pressed powder then chanel pink lipstick and presto im done.
Nawala ang ngiti ko ng matitigan ko ang mukha ko sa salamin. That sutures on my forehead, magaling na ang sugat pero bakit ang kirot sa dibdib ko andito parin. Sana sabay ng paggaling ng sugat ko dahil sa aksidente ay ang paghilom din ng sakit sa dibdib ko . Tumulo na pala ang luha ng babaeng nakikita ko sa salamin ng hindi ko namamalayan. Sana sa pag alis kong ito makakalimutan ko din ang sakit ng una kong heartbreak. Bago ko pa alalahanin ang nakaraan, pinahid ko na ang luha ko at bumaba na.
Kynne's POV
Past 2pm na kami nakarating dito sa bagong biling bahay ni mom sa Cebu.
Well ayuko kasi tumira dun sa house talaga nila mom. Kasama ko si best at si yaya Medy pati dalawang katulong namin .
Same section kami sa nilipatan naming school na si mom ang nagpa asikaso wala nga akong idea on how she managed our transfer that easy without me and her presence to the school na sabi nila most famous sch in the province na exclusive for elite families dahil narin sa very expensive ito.
let's see tomorrow kung anong meron in that school.
For now eenjoy muna namin ni best ang view ng new house namin. It's in a expensive subdivision in the city, well i'ts a 3 stories 6 bedrooms combination of pink and white mansion with a huge garden, there is infinity pool sa rooftop. Kitang kita ang view sa labas. Compare sa mansion namin di hamak na maliit to. Nasa garage narin ang new personalize pink hellokitty Mustang latest model, isang Starex latest model , a Toyota Fortuner latest model and my beloved personalize pink hello kitty Nmax latest model motorbike.
Andito kami sa rooftop ngayon having our snacks near the infinity poolside.
"Kynne mas maganda kaya school natin ngayon kesa sa Northwest Academy?"
"Hmmm maybe yes maybe no", I said while eating my cookies
"hay nako sana maraming vitamin A para sulit ang transfer natin",sabay buntong hininga
Tinaasan ko sya ng kilay "huh? vitamin A? like seriously Bhebs? VITAMIN A LANG HABOL MO???? geeezz malala ka na, sana sinabi mo para ako na mismo ang bumili sayo ng limang trucks ng vit A." I said with matching rolling eyes
bumunghalit sya ng tawa yung tipong wala ng bukas
Hahahahahahaha "my gawddd best where did you hide your common sense?" hahahahaha
"wow huh makatawa wagas? parang wala ng bukas ganern? " inis na sabi ko
*^▁^* kasi naman po bestfriend masyado kang LITERAL hahahahaha what I mean to that VITAMIN A are those cutie gwapo boys out there who happend to be vitamin sa mata na nakakaayang tingnan. GETS????
-_- "cge ako na ang slow, dami mong alam eh no?"
-_-/// "naman bestfriend ! ako pa ! wag kasi puro libro ha? labas labas din ng mundo mo pag may time."
-_- "wala nakong sinabi."Sabay tayo at dive sa pool
"oi bestfriend ikutin natin mamaya ang boung village ha? to familiarize the place you know." rinig kong sabi nya
nag thumbs up sign lang ako then lumangoy na ulit .
***
Around 5 na kami lumabas ng house riding my pink hello kitty motorbike, ako driver ofcourse.
Bhebs's POV
"whoooaaa Kynne look oh may village public pool pala dito sa park and mga ka age natin ata yung mga nagkakasayahan dun."
"Stop the bike na dali upo tayo dun sa may fountain."
Katabi kasi ng pool area ang napaka eleganteng park na to, ang galing ng pagka landscape halatang pinag isipan ng maigi.
Huminto kami ni Kynne at inenjoy namin ang view ng paligid habang nakaupo sa bench sa gilid ng fountain.
Nakita kong malalim ang iniisip ng bestfriend ko ,
maya maya pasimple nyang pinunasan ang mga luha nya. Di ko nalang sya tinanong, nagkunwari akong di sya napapansin. Nakakalungkot lang isipin na wala akong magawa para mawala ang kalungkutang nakikita ko sa mga mata nya, sana sumaya ka na ulit best. Kasi you deserves to be happy.
after awhile nag aya na syang umuwi madilim na rin kasi.
Pagdating namin sa bahay sinalubong kami ni lola.
"hale na kayo at nakahain na ang pagkain sa mesa."
"Mamaya na po ko yaya busog pa ko, bababa nalang ako pag nagutom ako. Akyat muna ko sa taas". Sabi ni Kynne
"Anong nangyari dun apo?" tanong ni lola
May naalala lang siguro la, makakalimutan din nya yun."
"Sana nga apo. Kasi napakabuti nyang bata. Oh sya kumain ka na dun."
Opo la, pagkatapos kong kumain umakyat na rin ako sa kwarto ko at naghanda para matulog, may pasok na bukas
Mula pagkabata magkasama na kami ni Kynne, namatay ang mama ko habang pinanganak ako kaya si lola Medy na ang nag alaga sakin mula nuon. Matagal na syang kasambahay nila Kynne kaya tiwala ang mom nya na sya ang mag alaga sa anak nya, may kuya si Kynne pero bata pa ito nasa America na at kasama nya dun, ewan ko ba kung bakit nandito sa pinas si Kynne samantalang sila andun,eh mahal na mahal naman nila pareho ang bestfriend ko. Walang araw na hindi nila tinatawagan si Kynne. Pag bakasyon o walang pasok it's either si Kynne ang pupunta ng America o sila ang uuwi dito. Close kami ng mom nya, pero kuya nya? HINDI, ang init ng dugo sakin wala naman akong ginagawa sa kanya. Ou nga pala si tita ang nagpapaaral sakin at may sarili din akong kwarto sa mga bahay nila, di rin nila ako katulong. Ang papel ko lang eh ang samahan si Kynne. At kahit di na yun sabihin sakin gagawin ko yun kasi mahal na mahal ko bestfriend ko. Na kahit sobrang yaman nila di yun naging hadlang na ituring nya kong kapatid knowing na apo lang ako ng katulong nila.
Hanggang sa makatulugan ko na ang mga isiping yun.