The Deal

862 Words

"KAKATAPOS lang po niyang kumain?" kumurap-kurap pa si Belle nang makita ang kasambahay na lumabas ng kuwarto. May dala itong tray. Malungkot na tumango ang kasambahay. "Pero halos wala rin naman siya na kinain." Nahawa si Belle sa lungkot ng kasambahay. Pero ang lungkot niya ay may kasamang gigil. Kung nagmatigas si Jace, malamang ay magmamatigas rin ito sa kanya ngayon. Tatlong araw ng nag-iinarte ang pasyente ni Belle. Ayaw nitong kumain. Kahit sa mga sessions nila ay hindi rin ito nagre-respond. Mainit ang ulo nito palagi. Sinisigawan siya nito kapag nagmamatigas siya. "Hindi kita kailangan! Wala akong kailangan! Lumayas ka sa harap ko!" iyon ang mga salitang nakukuha niya kay Jace. Ni hindi ito tumitingin sa kanya. Tinatanggihan nito ang lahat ng makakabuti para rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD