BORING. Hindi na mabilang ni Belle kung ilang beses na naramdaman at pumasok sa isip niya iyon. Mahigit isang linggo na siyang hindi nakakapagtrabaho. Naiba na ngayon ang dahilan kung bakit. Hindi na lang siya tinatanggihan ni Jace, umalis na mismo ito ng isla! "Bumalik si Jace ng Maynila. Sabi niya ay may kailangan raw siyang asikasuhin rito. But he assured me that he will come back there. So ibig sabihin lang noon, you are still employed. Pero kung gusto mo naman na umuwi sa Maynila habang wala siya ay puwede rin naman. I'll have the yacht ready for you. Kapag bumalik na rin si Jace sa isla ay tatawagan at ipapasundo kita." Wika ng Ate ni Jace nang ipaalam niya rito ang nangyari. Bilang empleyado, concern siya sa nangyari. Walang paalam na umalis ang kanyang pasyente. "Sala

