NAPANGISI si Jace nang makitang nagulat si Belle sa lugar kung saan siya nagpadala rito pagkatapos ng therapy session nila. Ngayong araw ay ilang beses na niyang nakita ang gulat na mukha nito. "Anong gagawin natin dito?" Lumunok muna si Belle bago magtanong. Halatang kinakabahan ito. Hindi na rin iyon bago sa kanya. Simula nang makita siya nitong nakakatayo ay puno na ng tensyon ang babae. Hindi masisisi ni Jace si Belle. He gave her a truce...at pinatulan niya iyon. Sa una ay hindi nagustuhan ni Jace ang ideya. Masyado siyang kinakain ng lungkot niya. Nasasaktan siya sa lagay niya. Gusto na niyang sumuko. Pero napag-isip-isip niya na gawin na motivation iyon. Pagkatapos ng lahat, marami siyang gustong kuhanin rito... Nagdesisyon si Jace na kainin ang pride. Nagpunta siya s

