Zaina Jhin
“Wala na naiwan na tayo,”
Nabalik ako sa aking sarili mula sa pagbabalik tanaw ko sa aking panaginip nang magsalita si Jovann. Napatingin ako kila Jozelle na malayo na nga ang agwat mula sa amin kayat nagtataka kong tiningnan si Jovann sapagkat kay bagal lamang nang pagpapatakbo niya nang motor niya.
“Bakit kase ang bagal natin?” wala sa loob na tanong ko.
“Can you hold tight?” tanong naman niya na pinagtaka ko sapagkat nakakapit naman ako sa sa likod nang motor habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa kanyang damit.
Hindi siya kumibo ngunit agad niyang hininto ang motor sa gilid nang daan bagay na lalo kong pinagtaka.
“Anong problema?” tanong ko pa ngunit bahagya lamang niya akong nilingon at sa gulat ko ay hindi ko agad namalayan na nakuha na pala niya ang dalawa kong kamay kayat ngayon ay hawak na niya ito kahit pa nanatili kaming nakasakay sa motor.
“Hold me here not to my clothes,” wika niya na hindi ko nagawang tutulan dahil sa gulat nang bahagya niyang hilahin ang dalawang kamay ko kayat napalapit ako nang husto sa kanya. Ang mga kamay kong hawak lamang niya kanina, ngayon ay naroon na sa kanyang tyan. Bahagya tuloy akong nailang sapagkat tila yakap ko siya mula sa likod.
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig kong wari’y natawa siya nang mahina, ngunit hindi ko na lamang siya sinita sapagkat nahihiya ako. Teka bakit nga ba ako nahihiya kay Jovann? Dati rati naman ay wala akong nararamdamang hiya sa kanya at madalas pa nga ay pinapatulan ko ang kakulitan niya.
“Ready? Hold tight Zaina,” sambit niya.
Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis niyang pinatakbo ang kanyang motor kayat sa gulat ko ay kusang humigpit ang yakap ko sa kanya. Naisiksik ko pa tuloy ang aking muka sa kanyang likuran dahil sa nabigla ako sa bilis nang takbo nang kanyang motor na hindi ko man lang napaghandaan.
“Opps I’m sorry,” nang aasar na wika ni Jovann na agad ko namang sinuklian nang masamang tingin ngunit muli ay tinatawan lamang niya ako.
Inis ko siyang hinampas nang malakas kayat napahiyaw siya. Sino ba naman kase ang hindi maiinis gayong sobrang g**o nang buhok ko dahil sa ginawa niyang pagpapatakbo nang motor. Hindi ko pa naman alam na ganon kabilis siyang magpatakbo sana ay naiipit ko muna ang buhok ko.
“Sorry na!” sigaw niya ngunit nagmartcha na ako palayo sa kanya upang pumunta palapit kila Jozelle na agad naman akong sinalubong.
“Dudz, anong nangyare sa buhok mo?” tanong ni Jozelle sa nagpipigil na tawa.
“Tulungan mo nga muna ako bago tayo pumasok sa school, nakakahiya ang buhok ko bweset kase yang si Jovann, kaskasero pala ang lintik,” inis kong sumbong kay Jozelle na muli ay tinatawanan lamang niya.
“Sorry na huy Ina,” rinig ko pang wika ni Jovann ngunit hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagsusuklay nang buhok ko.
“Asus alam ko na bakit binilisan mo? Ikaw Jovann ah, dumada moves ka!” tumatawang wika ni Jozelle bagay na kinakunot nang noo ko sapagkat hindi ko sila naiintindihan. Maging ang nobyo kase ni Jozelle ay tumatawa din at nang lingunin ko si Jovann ay nakangiti itong nagkakamot nang batok niya na wari’y nahihiya.
“Anong meron?” masungit kong tanong ngunit isa man sa kanila ay walang sumagot. Nakita ko pa ang mabilis na pag alis ng magkasintahang Jozelle at Charles.
“Tingnan mo tong babaeng to sabi ko tulungan ako eh,” inis kong bulong nang wala akong nagawa kundi ang sumunod na sa kanila kaysa maiwan akong kasama ni Jovann.
Habang papasok sa dati naming school ay hindi ko mapigilan ang mapalinga sapagkat kaydami nang nagbago doon. Mas lalong pinaganda ang aming school kayat lalo itong kaysarap pagmasdan. Napangiti rin ako nang magbalik sa akin ang mga masasaya at malulungkot na alala mula sa paaralang iyon. Ang paaralang naging tahanan namin sa loob nang 4 na taon.
“Don’t move, aayusin ko yung likod,”
Haharap sana ako nang maramdaman kong may nag aayos nang buhok ko mula sa likuran ngunit agad akong pinigil ni Jovann mula sa aking balikat. Hindi na lamang ako kumibo sapagkat muli ay nadama ko ang kabang kanina lamang ay naramdaman ko.
Wala na kami sa school at pangsamantalang huminto sa isang tindahan upang bumili nang mga pagkain. Kanina ay naglibot libot lamang kami sa loob nang school, sapagkat linggo kaya walang masyadong tao. Kung tutuusin ay bawal kami pumasok ngunit hindi ko alam kung anong ginawa ni Jovann sapagkat ang sabi ni Jozelle ay si Jovann daw ang dahilan kung bakit kami pinayagan.
Wala naman kaming masyadong ginawa noong naroon kami, naglakad lakad lamang at nang usisa sa mga nagbago sa aming school. Minsan ay binabalikan namin ang mga alaalang nagdaan habang kami ay nasa high school pa.
“Okay na, sorry ulit,” nakangiting wika niya nang humarap siya sa akin. Hindi ako kumibo at napatingin na lamang sa muka niyang nakangiti parin.
Ang totoo ay hindi parin ako makapaniwala na narito na ulit si Jovann. Sa tagal naming hindi nagkita, inaamin kong sobra ko siyang namissed lalo na yung mga panahong siya ang palaging sandalan ko noong dumadaan ako sa maraming pagsubok sa buhay ko. Ang kaibigan kong kailanman ay hindi ako iniwan kahit pa madalas ko siyang ipagtulakan.
“Tara na guys,” tawag ni Jozelle kayat sabay pa kami ni Jovann na napatingin bago tumingin sa isat isa.
“Let’s go,” nakangiting wika ni Jovann ngunit nag mas pinagtaka ko ay ang pag hawak niya sa kamay ko upang alalayan sa pagsakay sa kanyang motor.
Muli ay umalis kami at sa pagkakataong ito ay hindi ko alam kung saan kami papunta sapagkat surpresa daw nila ito sa akin. Hindi ko alam kung anong meron at may pasurprise pa sila sa akin gayong wala namang okasyon.
Habang daan ay nagagawa pa naming magtawanan sapagkat saktong bilis lamang ang takbo nang mga motor na sakay namin, iyon bang tamang joy ride lang. Nanatili akong nakaangkas kay Jovann ngunit hindi na ako nakayakap sa kanya gaya nang ginawa niya kanina sa halip ay kumapit na ako sa dalawang balikat nya. Bawat daanan namin ay naghahatid nang saya sa akin sapagkat kay gandang tunay nang mga tanawin. Alam kong malayo na rin ang narating namin ngunit hanggang ngayon ay hindi ko parin alam saan kami patutungo. Hindi naman na ako nangulit pang alamin sapagkat may tiwala ako sa kanila at ang importante naman ay nag eenjoy kaming lahat.
Samantala hindi ko batid ngunit ngunit parang unti unti ay bumalik ang kagaanan ko nang loob kay Jovann, iyon bang tila gaya lamang nang dati. Naramdaman kong nawawala na ang pagkailang na naramdaman ko kanina at napalitan nang pagkakampante habang kasama ko siya.
“Hey Zaina, eat this!” Napataas ang kilay ko nang tawagin ako ni Jovann at utusang kumain.
Abala kami ni Jozelle sa pagtingin at pagpicture sa mga magagandang tanawin kayat nakalimutan na namin na kumain. Kanina ay talaga namang namangha ako nang makarating kami dito. Isa itong kapatagan na puno nang maraming tanim, puno at mga d**o. Napagpasyahan namin na maglatag nang sapin sa isang bakanteng parte nang lugar upang doon ay saglit na mamahinga at kumain nang mga binili nila kaninang pagkain. Nagulat pa ako nang may mga baon pang pagkain si Jovann na naroon pala sa bag na dala niya. Tila pinaghandaan niya ito, napapaisip tuloy ako kung totoo bang kakauwe lamang niya kahapon.
“Tara na kumain na muna tayo,” wika pa ni Jovann na noon ay nakalapit na pala sa amin. Hinawakan niya ang kamay ko at walang sabing hinila na niya ako papunta sa mga nakahain na pagkain.
Napatingin pa ako kay Jozelle na gaya ko ay nagulat din ngunit mabilis na sumilay ang isang mapang asar na ngiti kayat napataas na naman ang kilay ko.
“Ang payat payat mo na, bakit pinapabayaan mo ang sarili mo Ina?”
Napatigil ako mula sa king pagsubo nang pagkain at saglit na napasulyap kay Jovann nang marinig ko ang tila inis mula sa kanyang boses. Nakatingin ito sa akin kayat nagkasalubong ang aming mga mata, hindi ko naman mapigil nag aking pagtataka sapagkat muli lungkot ang mababakas doon.
“Ang seryoso mo naman, kakauwe mo lang wag mo sabihing sesermonan mo agad ako. Oh kumain kana lang din,” wika ko sa pinasaya pang tinig nang bahagya akong lumapit sa kanya saka isinubo sa kanyang bibig ang tinapay na kinakain ko.
Tila naman natauhan ako sa aking ginawa nang kagaratin din niya ang tinapay na inilapit ko sa bibig niya sapagkat nawala sa isip ko na kinagatan ko nga pala iyon. Dati naman kaming nagsasalo sa pagkain nung high school ngunit hindi ko maiwasang makaramdam nang hiya at kung ano ang dahilan ay hindi ko batid.
“Namissed ko yan,” nakangiti niyang wika kayat muli ay napatingin ako sa kanya nang tinging nagtatanong. Tumawa sya nang bahagya saka lumapit sa akin. Napatitig pa ako sa kanyang makinis na muka nang hawiin niya ng mga hibla nang buhok kong tinangay nang hangin.
“I missed those precious smile of yours,” matamis ang ngiting wika niya saka tumitig sa aking mga mata.
Sa kauna unahang pagkakataon ay tila tumigil ang paligid habang nakatitig lamang kami sa isat isa. Patuloy sa pag ihip ang hangin kayat ramdam na ramdam ko ang lamig nito sa dumadampi sa iking mga balat. Maging ang mga buhok ko ay nakikisayaw sa hangin kayat muli ay hinawi niya iyon upang hindi matakpan ang aking muka.
“Hoy! kayo ano yan?”
Sa gulat ko ay agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Jozelle na dahilan upang mapatawa sila. Nang patingin naman ako kay Jovann ay nakatingala ito sa akin habang matamis ang ngiti. Upang maitago ang hiyang nararamdaman ko ay inirapan ko siya saka naglakad palayo sa kanila.
“Huy dudz, masyado kang defensive! Nagtatanong lang ako,” tumatawa pang pang aasar ni Jozelle.
Hindi ko alam kung bakit panay ang asar nila gayong wala namang malisya sa amin ni Jovann. We used to be closed before at dati naman ay normal lamang sa amin ang mga ganong sitwasyon. Kung ganon ay bakit ka kinakabahan? Napapikit ako dahil sa bulong nang isip ko sa akin. Bakit nga ba? Ang totoo ay hindi ko rin alam, kayat maging ako ay nagtataka sapagkat madalas akong makaramdaman nang kaba. Minsan ay naiisip ko siguro dahil matagal kaming hindi nagkasama ni Jovann. Hindi ko batid kung gaya parin siya nang dati, kung okay parin ba sa kanya na ganon ang kilos namin sa isat isa.
“Nainis ka ba?”
“Ay palaka!” gulat kong wika nang marinig ang boses ni Jovann sa aking tabi.
Sa gulat ay muntik pa akong maout of balance dahil sa pagkakahawak niya sa aking balikat buti na lamang ay maagap niya akong nahawakan.
“Sorry,” nahihiya niyang wika matapos kong makatayo nang maayos.
Hindi ako kumibo at naupo na lamang dahil nangangawit narin ako mula sa pagkakatayo kaya siguro ay mabilis akong nawalang nang balanse kanina.
Saglit kong nilingon sina Jozelle at ang kanyang nobyo na abala sa pagkuha nang pictures nila. Kaysarap nilang pagmasdan, sana ay hindi masaktan ang kaibigan ko gaya ko.
“Kamusta?”
“Okay naman, ikaw kamusta? Tagal mong nawala ah, tatlong taon mo kaming hindi kinausap,” balik tanong ko sa tanong ni Jovann.
Kapwa na kami nakaupo at nakatingin sa malawak na kapatagan. Ang sarap pagmasdan nang lugar na ito, nakakagaan nang pakiramdam.
“Sorry, kinailangan naming tumira sa ibang bansa kung saan nagwork si daddy,” sagot nito. Binaling ko ang tingin ko sa kanya nang hindi na niya dinugtungan pa ang sinasabi niya. Nais ko pa sanang magtanong kung bakit hindi man lang siya nagmemessage samin, kung bakit hindi man lang niya kami kinakausap kahit sa chat, ngunit pinangunahan ako nang hiya. Sinubukan ko kase siyang hanapin noon sa social media ngunit hindi ko makita ang account niya.
“Ina, what happened? I heard you and Jai broke up 2 years ago?”
Natigilan ako matapos marinig nag tanong na iyon ni Jovann lalo na nang marinig ko ang pangalan na kaytagal ko nang sinubok kalimutan. Napakuyom ako nang kamay nang muling bumalik ang sakit sa aking dibdib kasabay nang mga alaalang hindi ko na nais pang balikan.
“Bakit pumayag ka? Hindi ba’t sabi mo ay mahal ka nang lalaking iyon? Hindi ba’t sinabi mong hindi ka na muling luluha, bakit pumayag kang durugin na naman?” sunod sunod niyang wika. Ramdam ko ang galit sa bawat pagbitaw niya nang salita kayat bumalik din sa akin ang mga panahon na pinagsasabihan niya ako noon. Ang panahon na madalas kong maramdaman na may isang taong handa akong ipagtanggol. Ang kaibigan kong si Jovann, nagbalik na nga.
“Jovann,” halos pumiyok ako nang sambitin ko ang pangalan ni Jovann.
Nang tingnan ko siya ay nakatitig na pala siya sa akin kayat hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagsimula nang mag init ang mga mata ko, pakiramdaman ko ay anumang sandali ay bubuhos na naman ang mga luha ko.
Ilan taon na ang nakalipas mula nang magkahiwalay kami ni Jai. Pinilit kong kalimutan ang lahat, sinubok kong maging matapang at inakala kong nagawa ko iyon. Ngunit ngayong narito na si Jovann, ngayon ko napatunayan na hindi pa pala ako nakakamove on. Narealized ko din na ngayon ko pa lang mailalabas ang ang poot na tinago ko noon, ngayon palang ako makakapagsumbong sa bestfriend ko. Naramdaman ko na lamang ang pagdaloy nang luha ko na hindi ko na nagawang itago pa sa kanya.
“Nang umalis ako inakala kong maayos kana, kung alam ko lang sana,” Hindi nagawang ituloy ni Jovann ang sinsabi niya saka tumingin sa akin. Wariy mayroon siyang hindi magawang sabihin sa harap ko.
“Sinabi ko naman sayo noon, lolokohin ka lang nang lalaking iyon! Why didn’t you listen to me?” inis niyang wika na kinayuko ko. Wala akong masabi dahil alam kong tama ang lahat nang sinabi niya noon. Alam kong nagkamali ako kayat tatanggapin ko ang bawat sermon na bibitawan niya sa akin ngayon.
“I’m sorry, I’m sorry kung hindi kita nagawang protektahan. Patawarin mo ako kung wala ako sa mga panahong naghihirap at nasasaktan ka,”
Dahil sa sinabi niya ay nagsimula na akong humagulgol nang iyak. Kaybilis, sa isang iglap ay nahukay ang lahat nang sakit sa puso ko na pinilit kong ibaon sa limot.
“Im sorry Ina,” wika niya na lalo kong kinaluha.
Lumapit sa akin si Jovann saka masuyong pinunasan nang kanyang kamay ang luha sa pisngi ko. Dahan dahan ay kinabig niya ang ulo ko saka iyon dinala sa kanyang dibdib. Napapikit ako nang muli ay maramdaman ko ang pamilyar na yakap, ang kapayapaan sa kanyang mga bisig.