KABANATA II

2675 Words
Jovann Matapos kong makita ang pamilyar na gate ay hininto ko na ang aking motor sa gilid. Tinanggal ko ang aking helmet at dahil sa bukas ang gate ng bakuran ay pumasok na ako. Tahimik ang lugar at tila walang tao kayat napatanong ako sa sarili ko kung tama ba ang lugar na napuntahan ko. Naisip kong kunin ang phone ko upang tumawag at siguraduhin kung dito parin siya nakatira ngunit hindi pa man ako nakakadial ay may narinig akong mga boses na siyang pamilyar sa akin. “Oh my God, totoo nga, Jovann!” napangiti ako nang makita ko ang gulat ngunit masayang muka ni Jozelle nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko maiwasan ang mapangiti nang tumakbo ito agad papunta sa akin kayat binuka ko ang aking mga bisig upang salubungin siya nang yakap. “Jovann,” naiiyak na sambit ni Jozelle nang magkayakap kaming dalawa. Hindi ko rin maiwasan ang maluha sapagkat, isa si Jozelle sa mga naging matalik kong kaibigan noong high school kami. Sa tagal kong nawala, ito ang unang pagkakataon na nagkita kaming muli kayat talagang nasabik akong makita ang mga kaibigan ko. “Jozelle, kamusta kana?” “Ayos naman, ikaw kamusta? Akala ko talaga joke lang yung nareceive kong messages, akala ko hindi ikaw yun, di ka naman kase tumawag,” sambit niya na kinatawa ko. Naalala ko tuloy ang messages ko sa kanyang pagkauwe ko kahapon, dahil sa sobrang excitement ay agad kong sinabi na pupunta ako ngayon sa kanya. Hindi ko naisip na baka hindi siya maniwala dahil sa tagal na hindi ako nagparamdam. “Sorry, hindi ko pa kase na aasikaso ang sim card ko dito, kaya nakapagmessage na lang muna ako, buti nga at nakita akong dati nating kaklase, nahingi ko ang number mo,” tugon ko na kinatawa niya. “Ah kaya pala, don mo pala nalaman ang number ko. Eh buti at nahanap mo ako, hoy tagal ka naming hinahanap sa social media bakit hindi ka namin mahanap!” nakapamewang na sermon niya sa akin kayat napakamot na lamang ako sa ulo ko. “Sorry na, promised babawe ako at magpapaliwanag ako sa inyo, but for now can we go to Ina?” sa wakas ay nasambit ko din ang kanina ko pa sana nais sabihin. Kanina pa ay gusto ko nang hilahin si Jozelle upang umalis sapagkat nais kong makita si Ina, nag kabigan kong sobra kong namissed. Nakaramdam ako nang hiya nang makita ang pilyang pagngiti ni Jozelle na pakiramdam ko ay nagpainit pa sa aking pisngi. “Hindi ka naman nagmamadali no? Kakadating mo lang dito sa amin aalis na agad tayo? Ayaw mong magmeryenda muna?” alok pa niya ngunit umiling lamang ako. “Mamaya na, sabay sabay na tayo. I just want to see her first please,” sambit ko. Hindi na ako nahiya kay Jozelle sa pagkakataong iyon sapagkat batid ko namang alam niya ang nararamdaman ko noon pa man. “Okay sige, tara na, wait magpapalit lang ako nang damit ha. Ah nga pala Jovann si Charles nga pala boyfriend ko, babe si Jovann bestfriend namin ni Ina,” pagpapakilala ni Jozelle sa amin. “Nice to meet you pare,” nakangiti namang tugon ni Charles matapos naming magkamay. “Same here bro,” nakangiti ko ring tugon. “Oh sige maiwan ko muna kayo saglit lang ako,” sigaw pa ni Jozelle matapos nitong tumakbo papasok sa bahay nila. Naiwan kami ni Charles na tanging napangiti na lamang habang akoy naiiling dahil di parin nagbabago si Jozelle, maingay parin. Si Ina kaya? Napangiti ako nang maalala ang kahinhinan ngunit maypakasadista na babaeng iyon. Kainis lalo tuloy akong nasasabik sa muli naming pagkikita, naroon rin ang kaba sa aking dibdib na sa bawat paglipas nang oras ay lalong nadadagdan. “Nako eh lumipat na sila nang bahay, hindi na sila doon sa dati nakatira,” sagot ni Jozelle bagay na kinakunot nang noo ko. Kasalukuyan kaming naroon sa isang gasulinahan dahil naubusan nang gas ang motor na gamit nang boyfriend niya. Habang naghihintay ay nabanggit ko na hindi ko nakita si Ina sa dati nilang bahay. “Bakit?” tanong ko agad dahil bigla ay tila nakaramdam ako nang kaba nang makita ang saglit na paglungkot ng muka ni Jozelle. “Napabuntong hininga si Jozelle saka malungkot na tumingin sa akin kaya naman lalo lamang akong nakaramdam nang kaba. “Kase nagloko na naman ang tatay niya, nahinto ulit siya sa pag aaral at napilitang bumalik sa pabrika upang magtrabaho. Hindi na kinaya ni Ina, kayat sa galit niya at dala na rin nang awa sa kanyang mga kapatid at sa nanay niya ay pinalayas niya ang tatay niya. Umabot sila sa barangayan upang tuluyan nang makalaya ang nanay ni Ina. Nagawa ni Inang paghiwalayin ang mga magulang niya kaya siya na ang sumalo nang lahat ng responsibilidad sa pamilya niya,” mahabang pahayag ni Jozelle na kinalungkot ko. Pakiramdam ko ay piniga ang puso ko matapos malaman ang mga pinagdaanan ni Ina. “Jovann, sobrang naghirap si Ina, lahat ay ginawa niya para mabuhay silang magkakapatid. Sobrang subsob sa trabaho at hindi na magawang magpahinga. Alam mo madalas ay umiiyak yon kapag kami lang nag magkasama kase inggit na inggit siya sa mga kaklase natin na nag aaral sa college, alam mo naman diba sobrang gusto niyang makatapos nang pag aaral,” “Ibig mong sabihin hindi na nag aaral si Ina ngayon?” tanong ko na malungkot namang tinanguan ni Jozelle. Saglit akong natahimik, sinisikap kong intindihin lahat nang nangyare sa buhuay ni Ina ngunit isang malaking katanungan kung bakit kailangan niyang danasin ang lahat nang iyon. Hindi ko inakala na aabot doon ang lahat nang paghihirap niya sa buhay. Batid ko na noong high school pa lamang kami ay madami na siyang pasakit sa buhay at sa tuwina ay nalulungkot ako para sa kanya. Nais ko siyang tulungan noon ngunit hindi niya ako pinapahintulutang sumali sa lahat nang problema niya, at naiintindihan ko iyon. Ngunit sumasama ang loob ko sa tuwing naiisip ko na hindi ko siya nagawang tulungan. Lalo tuloy akong nagsisi sa ginawa kong pag alis, kung alam ko lang sana ay nanatili na lamang ako sa tabi niya kahit pa isang kaibigan lamang ang kaya niyang ibigay sa akin. Nang oras na makauwe ako dito sa Pilipinas ay sinikap ko na agad na makapunta sa dati nilang bahay ngunit hindi ko na sila naabutan sapagkat nakaalis na pala sila. Buti na lamang at naalala ko si Jozelle kanina kaya naman wala akong inaksayang pagkakataon. “Si Jairus, yung boyfriend niya? Sila pa ba?” Bigla ay naalala ko ang gagong nobyo ni Ina nang kasalukuyan ay binabagtas na namin ang daan patungo sa bagong tirahan nito. Saglit kong sinulyapan si Jozelle saka muling binalik sa daan ang tingin ko, ngunit nagulat ako nang magbago ang awra nito na napalitan nang inis. “Dalawang taon na silang hiwalay Jovann. Nang muling daanan nang bagyo ang buhay ni Ina ay saka siya nawala na parang bula. Hanggang ngayon hindi namin alam kung anong dahilan at bigla na lamang niyang iniwan si Ina. May mga bali-balita na mayroon daw ibang girlfriend ang siraulong iyon doon sa probinsya nila kayat pinaglaruan lamang niya si Ina,” “f**k!” inis kong bulong matapos marinig ang winika ni Jozelle. Napahigpit ang hawak ko sa selinyador nang motor ko dahil sa galit na biglang umusbong sa puso ko. Sinasabi ko na nga ba na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon, na sasaktan lamang niya si Ina. Ang kapal nang muka nang lalaking yon na sabihing hinding hindi niya sasaktan si Ina ngunit pagkatapos ngayon malalaman kong isa siya sa nanakit sa kaibigan ko. f**k him, sana ay hindi ako nagtiwala sa kanya. Sana ay hindi ko hinayaan si Ina sa piling niya. “Wait did you tell her na darating tayo, na kasama mo ako?” kinakabahang tanong ko kay Jozelle nang makarating na kami sa tapat nang bahay na sinasabi nilang bagong tirahan daw nila Ina. Kita ko pa ang pagsibol nang ngiti sa labi ni Jozelle ngunit hindi ko na iyon pinansin sapagkat mas inaalala ko ang muling pagkikita namin ni Ina. “Hindi ko sinabi, hayaan nating magulat siya,” wika nito saka ako iniwan at nagderederetcho na papunta sa pintuan nila Ina. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nang tahimik at nais ko man ay hindi ko magawang kulitin si Jozelle sapagkat baka marinig ako agad ni Ina. Nang makakatok si Jozelle ay pinagbuksan kami nang isang lalaki na sa tingin ko ay ang kapatid ni Ina nan noon ay maliit pa. Agad naman kaming pinapasok nito kayat nang umapak ang paa ko sa loob nang kanilang tahanan ay dumoble ang kaba ko. Inilinga ko agad ang mga mata ko upang hanapin si Ina sapagkat hindi ko sya nakita doon. “Saglit lang po ah, nagbibihis kase si ate naligo po kase,” wika nang kapatid niya. “Sige pakisabi nalang bilisan niya andito kamo ako,” sagot naman ni Jozelle na tinanguan lamang nang kapatid niya. Habang naghihintay ay napalinga ako sa loob nang tahanan nila Ina. Malinis iyon walang duda na si Ina ang naglinis nang bahay, hindi parin siya nagbabago. Ngunit nalungkot ako dahil tila mas maliit itong bahay nila kumpara sa dati nilang bahay. Wala din silang masyadong gamit kayat naalala ko na naman tuloy ang sinabi ni Jozelle na patuloy sa paghihirap ang buhay ni Ina. Kanina ay marami pa kaming napag usapan ni Jozelle tungkol sa mga naganap sa buhay ni Ina. Hindi ko mapigilan ang maawa nang sobra sa kanya, at sa tuwina ay tila nakikita ko siya sa aking isipan. Lahat nangpaghihirap niya ay pumipiga sa aking puso. “Jovann? Mula sa malalim na pag iisip ay dahan dahan akong nag angat nang aking ulo upang makita ang babaeng nagmamay ari nang boses na iyon. Ang boses na tumawag sa akin, ang boses na kailanman ay hinding hindi ko makakalimutan. Matagal bago ako nakakilos nang sa wakas ay magtama ang aming mga mata. Kitang kita ko ang gulat doon ngunit ang hindi ko batid ay ang kirot na siyang agad kong naramdaman matapos kong makita ang lungkot at saya sa kanyang mga mata. Nang matauhan ako ay tumayo na ako at sinubok na humakbang palapit sa kanya. “Jovann,” muli niyang sambit sa pangalan ko ngunit sa pagkakataong iyon ay sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko, kusang ngumiti ang mga labi ko. Ang ngiting nagpapakita nang labis kong kaligayahan sa muli naming pagkikita nang babaeng kaytagal kong tiniis na itago sa puso ko. Ang babaeng mula noon ay nagpapasaya sa pihikan kong puso. “Iyakin ka parin,”natatawang sambit ko nang makita ko ang pagtulo nang mga luha niya. Ngunit natigilan ako nang bigla ay niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi siya kumibo ngunit rinig ko ang mahina niyang paghikbi. Muli ay napangiti ako matapos ay buong pusong ginantihan ang mahigpit niyang yakap sa akin. Napapikit pa ako matapos damhin ang sarap sa pakiramdam nang mga yakap niya. Ang yakap na kaytagal kinasabikan nang puso ko. “Nandito kana,” humihikbi pa niyang bulong kasabay nang lalong paghigpit nang kanyang mga yakap. “Oo nandito na ako,” sagot ko. Nadito na ako at hindi kana muling iiwan pa. Matapos ang aming iyakan at dramahan ay nakatikim pa muna ako nang mga hampas mula kay Ina dahil sa ginawa kong pag alis nang tatlong buwan. Galit na galit ito matapos kong putulin ang communication ko sa kanila at pilit pa nga akong pinapaamin sa tunay na dahilan. Ngunit hindi ko naman masabi ang totoo, sapagkat hindi pa ako handa. Paano ko sasabihin na kaya ako umalis ay upang hindi ko sila magulo ni Jai. Paano ko ipapaliwanag na sinubukan kong lumayo upang magawa ko siyang kalimutan. Inakala kong sa pag alis ko ay magagawa ko siyang alisin sa puso ko upang sa gayon ay hindi na ako masaktan pang muli. “Pre may gusto ka sa kanya no?” napalingon ako kay Charles nang magtanong ito. Galing ako sa pag iisip kayat hindi ko batid ang sinasabi niya. Kasalukuyan na kaming naroon sa kapatagan kung saan ko naisip na dalhin si Ina upang makapagrelax naman siya. “Si Ina kako, may gusto ka sa kanya diba? Kita ko sa mga titig mo sa kanya pare,” nakangiti nitong wika na kinahiya ko sapagkat nahuli pala niya ako. Napangiti na lamang ako saka marahang tumango bago muling ibinalik ang tingin ko kila Ina at Jozelle na masayang pinagmamasdan ang ganda ng kalikasan. Oo, may lihim akong pagtingin kay Ina, noon pa man. First day palang ay attracted na ako sa kanya. Why? It’s because she’s different. Ina had a simple and natural beauty that make you fall for her. But she also had a different but great personality that you would love her even more. Ngunit pinili kong itanggi sa sarili ko na nagugutuhan ko siya sapagkat wala akong planong magmahal. Nang mga panahong iyon ay bulag ako sa maling kaisipan sapagkat galit ako sa pagmamahal noon. Inakala kong walang totoong nagmamahal kayat mas pinili kong makipaglaro sa kung sino sinong babae. Hanggang sa ako mismo ang nakaramdam nang pag ibig na siyang kinatatakutan ko at sa katauhan pa nang kaibigan kong hindi ko maaaring mahalin. Alam kong hindi kami pwede dahil magkaibigan kami at hindi ako mapapansin ni Ina dahil sa batid niyang naging babaero ako. Batid ko ring bukod sa kaibigan lamang ang turing niya sa akin ay mayroon na siyang ibang mahal. Mahal na mahal niya ang 1st love niyang si JM kayat tinanggap ko na sa sarili kong wala akong pag asa sa kanya. I even try to have a relationship with Reighn ngunit nasaktan ko lamang ito kayat nagpasya na akong itigil na hanggat maaga. Nakuntento na lamang ako sa pag aalaga at pagprotekta kay Ina bilang isang kaibigan. Palihim na nagmahal at tinanggap na hanggang kaibigan lamang ako para sa kanya. Kaybilis na lumipas ang oras, hindi ko namalayan na inabot na pala kami nang dilim habang namamasyal. Siguro ay ganon talaga kapag ang mahal mo ang kasama mo, kay bilis nang oras na hindi mo na lamang mamamalayan. “Salamat sa paghatid,” nakangiti niyang wika nang makababa na siya sa motor. Gabi na nang makauwe kami at ako na ang naghatid sa kanya sapagkat si Jozelle ay nauna nang umuwe dahil may pasok daw siya sa trabaho. Hindi ako agad nakakibo, pinagmasdan ko ang mga mata niyang nakangiti, ngunit kita ko parin ang nagkukubling lungkot at paghihirap mula doon. Ngayong nasa tabi ko na siya at napagmamasdang mabuti ay mas nararamdaman ko ang mga pinagdadaanan niyang hirap. “I’m sorry, kung natagalan akong bumalik,” seryoso kong wika na kinagulat niya.Saglit lamang iyon sapagkat muli iyon napalitan ng matamis na ngiti. Gusto kong mailing sapagkat mas gumaling siya sa pagtatago ng kanyang nararamdaman. “Your eyes can’t hide everything,” “Ha?” takang tanong pa niya na nginitian ko lamang. Lumapit ako sa kanya at walang kibo na kinabig ko siya patungo sa aking dibdib saka ikinulong sa mahigpit kong yakap. Ramdam ko ang paninigas niya dahil sa kabiglaan ngunit makalipas lamang ang ilang sandali ay naramdaman ko na din ang pagtugon ng yakap niya. “Namissed kita,” napangiti ako dahil sa sinambit niya. “I missed you too, I missed you so much,” sagot ko naman matapos naming maghiwalay mula sa mahigpit na yakap. Kapwa kami napangiti nang matamis sa isat isa at saglit na nagtama ang mga paningin namin. Muli ay bahagya akong lumapit sa kanya at hinaplos ko ang muka niyang kay ganda parin. Ngumiti siya, ngiting nagpasaya ng labis sa puso ko. Unti unti ay inilapit ko ang labi ko sa kanyang noo kasunod ay isang masuyong halik na hindi naman niya tinutulan. “Don’t worry nandito na ako. Hindi kana mag iisa, I promise,” bulong ko matapos idikit ang aking noo sa kanyang noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD