KABANATA III

2363 Words
Zaina Jhin Sa unang pagtunog pa lamang nang aking alarm ay napadilat na aking mga mata. Tila nasanay na ang aking katawan kayat kahit madalas ay gabi na akong natutulog maaga parin akong nagigising. Halos past midnight na ako nkatulog dahil hindi ako makamove on sa pag uwe nang matalik kong kaibigan na si Jovann after 3 years na nawala siya. Sobrang saya ko nang mga sandaling iyon, pakiramdam ko ay nakabalik na ang matagal ko nang hinihintay. Jovann is one of my bestfriend kayat sobrang importante niya sa akin. Marami siyang naitulong sa akin noon, at talagang tinataw ko nang malaking utang na loob na hindi niya ako pinabayaan bilang isang kaibigan. Siya at sila Jozelle ang siyang naging sandalan ko nang mga panahong lugmok ako kayat hindi ko maiwasan ang malungkot nang pagkagrauate namin nang high school ay bigla na lamang siyang nawala. “Don’t worry nandito na ako. Hindi kana mag iisa, I promise,” Napangiti ako matapos maalala ang sinabi niya. Inaamin kong masaya ako dahil sa sinabi niya at ngayong narito na siyang muli pakiramdam ko ay nabawasan ang kabang aking nadamarama. Matapos magmuni muni ay bumangon na ako at nag init nang tubig upang may pang paligo ang mga kapatid ko, para na rin may pang kape kami dahil mamaya ay si nanay naman ang babangon. Ginayak ko na din ang iluluto kong meatloaf at itlog para sa almusal at baon narin nang mga kapatid ko sa school. Matapos magsaing ay nagsimula na akong magluto upang maya maya ay gigisingin ko naman ang mga kapatid ko upang maligo. Ganito palagi ang routin namin, magluluto ako nang almusal para sa aming lahat upang makakain ang mga kapatid ko bago pumasok sa school habang ako naman ay naliligo. Lahat kami ay nagsisipasok at walang natitira dito sa bahay kaya naman nagluluto na kami nang aming babauning pagkain. “Oh heto ang baon nyo,” wika ko nang paalis na ang mga kapatid kong sina Vina, James at Josh. Sila na lamang ang nag aaral sapagkat si Faye ay nagtatrabaho na din sa pabrika gaya ko. Binigyan ko nang tig 10piso sina James at Josh sapagkat may baon silang tinapay at juice na binibili ko sa tuwing sasahod ako. Si Vina naman ay inabutan ko nang 40 pesos dahil namamasahe pa siya papuntang eskwelan. Lahat naman sila ay may baong pagkain for lunch, iyon nga lang ay hindi palaging masarap lalo kapag malayo pa ang araw nang sahod. Hindi ganon kalaki ang sahod ko ngunit sinisikap kong maibigay lahat nang kailangan nang mga kapatid ko lalo sa baon sapagkat ayaw kong maranasan nila ang dinanas namin ni Faye noon na tanging 6 na piso lamang ang natitira pambili nang aming pagkain. Madalas ay ipangbibili pa namin iyon nang kailangan sa school. “Ate, may babayaran ako sa school,” Natigilan ako sa pag kuha nang bag ko nang magsalita si Vina. Nang tingnan ko siyi ay hinihintay niya akong sumagot kayat agad akong ngumiti saka binuklat ang wallet ko. “Kasya na ba yan?” tanong ko pa matapos iaabot ang bente pesos. Ngunit napakamot sa ulo si Vina at tila nahihiyang magsalita. “Eh ate 50 pesos ang babayaran namin, test kase namin ngayon tapos may mga contribution pa kaming mga babayaran,” sagot nito na kinagulat ko. Agad akong napatingin sa aking wallet at bigla ay nalungkot ako sapagkat 50 pesos na lamang pala ang laman nang wallet ko para sa araw na ito at para na lamang sana iyon sa pagkain ko. Hinahati ko na kasi ang pera sa araw araw at tinatabi ang para sa susunod na araw. Napakamot ako sa batok ko saka muling binuksan ang wallet ko upang kunin ang natitira pang 30 pesos upang idagdag sa ibibigay kay Vina. Hindi ko napaghandaan ang bayarin ngayon kayat ibibigay ko na lamang muna ang para sa pagkain ko. “Sige mag iingat kayo sa school ha, mag aral mabuti,” wika ko matapos iabot ang pera. “Salamat te,” sabay sabay na wika nang mga kapatid ko bago tuluyang umalis. Naiwan akong nanghihina kayat napaupo na lamang. Nakakapanlata talaga ang mga gastusin, sa bagay araw araw naman ng buhay ko ay ganito ano bang bago. Napapailing na lamang ako sa sariling reyalisasyon. “Te may extra pa ko dito,” Napatingin ako nang magsalita sa tabi ko si Faye. Tapos na pala itong gumayak at handa nang pumasok sa trabaho. Napangiti ako dahil sa sinabi niya, alam kong batid niyang wala na namang natira sa akin kayat inooffer na naman niya ang budget niya para sa pagkain niya. Marahan akong umiling nang iabot niya sa akin ang bente pesos. Alam kong maliit lang diin ang budget ni Faye para sa pagkain niya dahil lahat ay binibigay niya kay nanay upang pangdagdag sa panggastos namin kayat hindi ko na nais pang bawasan iyon. Batid ko rin ang pagtitiis niya lalo pa’t sa murang edad ay nagtatrabaho na rin siya, hindi pa nga siya nagdedebut ngunit naroon na rin siya sa pabrika gaya ko. Naaawa ako sa kapatid ko ngunit wala naman akong magawa, mas malaki lamang nang kaunti ang kita ko sa kanya kayat hindi ko pa kayang akuin lahat nang gastos. Lalo na at lahat ay binabayaran dito sa Maynila, mula sa mga bills, upa nang bahay, pagkain, gastos sa pag aaral nang mga kapatid namin at kung ano ano pang kailangan sa araw araw na pamumuhay. “Sige na Faye, ayos lang ako, ibili mo na lang iyan nang cologne mo alam kong paubos na iyon,” nakangiti kong wika matapos isoli ang inaabot niya. Batid ko ring nagtitipid ang kapatid ko, ramdam ko din na bilang isang nagdadalaga ay nais din niyang magkaroon nang mga gamit sa sarili. Ang cologne na bigay ko sa kanya ay halos paubos na, na pinaabot pa niya nang isang buwan dahil wala pa siyang pangbili. Batid kong naiinggit din siya sa mga kasamahan niyang dalaga na may mga kagamitan at bilang nakakatanda ay nasasaktan ako kapag nakikita ko ang kapatid kong naiinggit sa iba. Gustuhin man niya ay hindi siya makabili dahil mas inuuna namin ang pagkain sa halip na ibili nang kung ano ano. Ganon din ang naramdaman ko noong una ngunit ngayon ay sinanay ko na ang sarili ko na walang mga gamit sa sarili dahil mas importante ang para sa mga kapatid ko. Bata pa si Faye kayat naiintindihan ko siya, at hindi ko gustong magaya siya sa akin, nais kong kahit paano ay maranasan niya ang sarap nang pagiging isang dalaga. Pagdating sa trabaho, ilang minuto lamang ay nagsimula na agad kaming magtrabaho sapagkat maaga nagsisimula ang aming gawain. Umaga pa lamang ay pakiramdam ko pagod na agad ako nang sumalubong sa akin ang daming gawain. Lunes ngayon at expected ko na ito ngunit hindi ko parin maiwasan ang makaramdam nang labis na kapaguran sapagkat halos araw araw ay ganito ang sitasyon dito sa pabrika. “Faster, faster! Everyone move faster!” Rinig kong sigaw nang aming boss na paparating. Mabilis kong dinampot ang gamit ko at nagtungo sa aking lamesa upang magsimulang magtrim nang mga damit. Isa akong quality controller at trimmer narin, kung minsan ay all around pa gaya nito nakikita ko nang papalapit ang boss namin sa akin. “In-na,” tawag niya sa akin. Hindi ko maiwasan na mapangiti sa tuwing sasambitin ni Boss Dino ang pangalan ko sapagkat rinig na rinig ang katigasan nang dila niya. Isa kase siyang Taiwanese at hindi gaanong marunong mag English lalo na sa tagalog. “Yes boss?” tanong ko agad nang makita ko nag pagkunot nang noo niya marahil ay nakita niya akong nakangiti. “You smile aga aga ha,” nakangiti nitong wika na nginitian ko lamang. Mababait naman ang mga boss namin lalo si Boss Dino na syang nagregular sa akin dito sa pabrika. Iyon nga lang ay mahilig silang manigaw lalo na kapag mainit ang ulo, ngunit sanay na rin ako kahit paano. “You go to sewing line with,” saglit na tumigil si Boss Dino saka pinagmasdan ang mga kasamahan ko na parang pumipili nang pasasamahin sa akin. “Ada!” sigaw niya kayat napangiti ako nang makitang bumagsak ang mga balikat ni ate Ada kasabay nang pag irap nito sa hangin. Batid ko nang siya ang tatawagin dahil madalas ay kami ang magkapartner sa tuwing inuutusan kami nitong mag ikot sa sewing line. Nang makalapit si ate Ada ay pinaliwanag na niya ang gagawin namin kahit pa alam naman na namin. Gaya nung isang araw ay babantayan namin ang mga tinatahi nang mga sewer upang matapos nila agad ang isang style nang short na kailangan namin iship ngayong linggo. “Yang matandang iyan wala nang nakita kundi tayong dalawa, ang dami dami namang quality controller hindi lang naman tayo. Ang init init kaya sa sewing line nakakapagod pa ang lakad nang lakad!” pagrereklamo ni Ate Ada na siyang nginitian ko lamang. Tama naman si ate, ngunit sa halip na magreklamo ako ay nananahikmik na lamang ako sapagkat wala din naman akong magawa. Ito ang trabaho namin at kahit pa sabihing mahirap ay kailangan naming magtiis dahil wala kaming choice kailangan naming kumayod para sa pamilya. Ramdam ko din ang pagod, araw araw iyan at hindi ko rin maiwasang mapatanong sa sarili ko kung hanggang kailan ako sa ganitong trabaho, may pagkakataon pa nga na parang nais ko nang sumuko. Ngunit sa tuwina ay tila nakikita ko ang mangyayare sa mga kapatid ko na naghihirap at nasa kalsada sapagkat kailangan nilang magtrabaho kayat sa tuwina ay sinisikap kong magpakatatag upang hindi iyon mangyare. “In-na!” Makalipas lamang ang ilang oras ay tinawag na naman ako nang boss namin upang may ibang iutos. Gaya nang inaasahan ay inilagay ako nito sa mga naglalagay ng tag nang damit na isa din sa trabaho ko. Kapag natatambakan ang mga dati kong kasamahan ay tinatawag ako upang tumulong hanggang sa maubos ang tambak at pagkatapos ay balik na naman sa unang pinagawa sa akin. Sa ganito umiikot ang buong maghapon ko, nakakapagod na araw ngunit sa tuwina ay laban lang. “Alas nuebe na may estudyante parin sa daan?” Napatingin ako sa mga kasabay kong palabas nang pabrika nang dahil sa sinambit nito. Nang sundan ko ang tinitingnan nila ay nakita ko ang ilang estudyante na naglalakad at tila pauwe na. Napatitig ako sa mga uniform na suot nila, sa tingin ko ay college student ang mga iyon. Kay ganda nang mga suot nila, ang mga palda na maiksi at parang pang opisina, may neck tie pa sila na lalong bumagay sa puting puti nilang uniporme. Hindi ko maiwasan ang mainggit habang pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng iyon. Naalala ko tuloy ang uniform ko na hindi gaanong nalalayo sa palda nila. Mas maganda lamang nang kaunti ang suot nila marahil ay sa private school sila nag aaral, ngunit kahit ganon para sa akin ay maganda parin ang uniform ko lalo na kapag suot ko iyon kasama nang school i.d ko Mapait akong napangiti matapos muling bumalik sa aking alaala ang mapait na pangyayare sa school. Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang pamamahiya sa akin nang aming guro dahil sa hindi ako makabayad nang tuition fee. Sa tuwina ay hindi ko mapigil ang luha ko na bigla na lamang tumutulo sa tuwing naalala ko iyon. Ilang taon na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay may isang bagay parin akong hindi makalimuutan. Ang pagkakahinto ko sa pag aaral na labag na labag sa kalooban ko. Ginusto ko ang magsakripisyo upang makapag aral ang iba kong mga kapatid ngunit hindi ko maalis sa puso ko ang sama nang loob sa tuwing naalala ko ang aking ama na naging dahilan nang lahat nang ito. Sa araw araw ay pinapakita ko lamang na okay ako but deep inside ay namumuhi ako sa galit dahil sa ginawa ni tatay. Madalas parin ay nagtatanong ako sa Panginoon kung bakit dinadanas namin ito. Bakit sa dinami dami nang tao bakit ako pa, bakit ang pamilya ko pa ang napili niyang bigyan nang ganitong pagsubok. “Ina!” Nabalik ako sa aking sarili nang isang pamilyar na boses ang aking narinig. Agad ko iyong hinanap at gayon na lamang ang gulat ko nang makita ko ang isang lalaking nakaitim na jacket habang nakasandal sa kanyang asul na motor. Tinanggal niya ang kanyang kanyang suot na shades na lalong nagpagulat sa akin nang mas makilala ko pa siya. Kumakaway siya sa akin habang naroon ang matamis na ngiti sa kanyang labi kayat maging ako ay napangiti narin. “Jovann,” wika ko habang pinagmamasdan ang gwapo niyang muka. Oo ang gwapo niya ngayong gabi, gwapo naman siya dati pa ngunit parang mas na-appreciate ko iyon ngayong gabi. “Anong ginawa mo dito?” tanong ko nang makalapit ako. Nahihiya siyang tumingin at para bang hindi pa niya alam kung sasagutin ang katanungan ko. “Gusto sana kitang ihatid, uwian mo na diba, sabi mo 9 ka uuwe,” sambit niya na kinagulat ko. Mabilis na bumalik sa isip ko ang message niya sa akin kanina. Ngayon ay alam ko na kung bakit tinatanong niya kung anong oras ang uwe ko. “Wag mong sabihin na kaya ka nagtanong kanina para hintayin ako at ihatid?” tanong ko dahilan upang mapakamot siya nang ulo. “Jovann?” wika ko pa upang sumagot na siya. Tumingin siya sa akin saka bahagyang tumago bagay na kinakunot nang noo ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano sapagkat gabing gabi na, nakakahiya para sa kanya na hintayin pa ako at ihatid nang ganitong oras. “Sana hindi kana naghin – Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang abutan niya ako nang isa pang helmet habang siya ay nagsuot na nang helmet niya. Tumingin lamang siya sa akin nang hindi pa ako kumikilos. “I insist, ihahatid kita sa gusto mo man o hindi,” sambit niya saka kinuha ang helmet sa akin at siya na mismo ang nagsuot non sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay sa likod niya at napangiti na lamang nang kusa kong ipatong ang mga palad ko sa kanyang balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD