Chapter 1 Black car
Napahawak ako sa nangawit kong batok sabay tingin ko sa aking relo. 5pm na at oras na para umuwi. Tumingin ako sa paligid ko at ang ilang katrabaho ko ay nag-aayos na ng kanilang mga gamit habang ako ay heto, nagtatrabaho pa rin dahil may tinatapos pa ako.
"Letisha," sabi ni Tiara habang naglalakad papunta sa akin.
Si Tiara ay matalik kong kaibigan simula pa nong college kami. Mayaman siya at may sarili silang kompanya pero mas pinili niyang magtrabaho sa ibang kompanya.
"Yes?"
"Hindi ka pa ba uuwi? 5pm na, let's go!" Pinalo palo niya ang desk ko.
"Ingay," sambit ko at inikot ko ang mga mata ko sa kan'ya. "Mauna ka na, may tatapusin pa kasi ako."
"Hintayin na lang kita. Bibili muna ako ng coffee natin." Tumalikod na siya para umalis.
"Huwag na. Mauna ka na baka matagal pa ako," pagpigil ko sa kan'ya. "At saka meron kayong celebration para kay kuya mo, right?"
"Lagi naman siyang late kaya okay lang kung magpa-late na rin akong pumunta doon," aniya.
Pumikit ako habang umiling-iling. "Umuwi ka na para makapag-ready ka para maging star of the night ka na naman, remember?"
Ngumiti siya ng malawak. "Sa akin ba ulit ang korona?"
"Of course! Kaya umuwi ka na, please lang," sabi ko.
Hinila niya ang buhok ko dahilan para tingnan ko siya ng masama. Ang sakit pa naman dahil konti lang ang buhok kong hinila niya.
"Pinapauwi mo na ako?" sabi niya habang sumisingkit ang kan'yang mga mata.
"Oo!"
Sinamaan niya ako ng tingin habang umaatras. "Tawagan mo na lang ako kapag nakauwi ka na!"
"Oo! Bye, ingat ka!" sigaw ko.
"You too!"
Ilan na lang ang mga katrabaho namin ang naiwan. Inayos ko ang upo ko para maumpisahan ko na muli ang ginagawa ko. Habang pagabi ng pagabi ay unti-unti nang umaalis ang mga natira kong kasama kanina hanggang sa ako na lang ang mag-isa sa loob na sakto naman ay tapos na ang aking ginagawa. Lumabas na ako ng kompanya at nakita ang guard na nasa labas kaya nagpaalam na akong umuwi.
"Pasensya na po at pati kayo ay nadamay sa pag-late kong pag-uwi," paumanhin ko.
"Okay lang po 'yon, Ma'am. Mag-iingat po kayo sa pag-uwi," aniya habang nakangiti ng malawak.
Ngumiti rin ako. "Thank you po, ingat din po kayo. See you tomorrow!"
Hindi na siya sumagot at nanatili lang nakangiti. Tumingin ako sa relo ko at 7:45 pm na. Gabi na talaga at halos wala nang dumadaan na sasakyan kaya nagdesisyon na lang akong maglakad at baka may makita pa akong masasakyan.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang tindahan na nag-iisa. Nakasumbrero siya ng itim, t-shirt na green at naka-shorts ng puti, nakatsinelas siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nong tumayo siya, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang tumakbo lalo na ay paisa-isa na lang ang mga nakakasalubong kong naglalakad at wala na rin sasakyan na dumadaan. Tumingin ako sa likod ko kung nasa'an siya, nakasunod pa rin siya habang naninigarilyo. Payat siya at medyo matangkad at mukhang nasa 30s na siya.
Naglakad ako ng mabilis dahil nakakaramdam na ako ng kaba. Wala nang tao sa wala na rin sasakyan na dumaan at may sumusunod pa sa akin kaya hindi ko mapigilan ang kabahan at matakot. Nang pasimple akong tumingin sa likod ko, nakita ko na tinapon na niya ang kanina lang niyang hawak-hawak na sigarilyo at bumilis na rin ang lakad niya. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko that time kaya mabilis na rin akong tumakbo at narinig ko rin ang pagtakbo niya kaya sa takot ko ay naiiyak na ako. Wala talagang katao tao, as in.
Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang lugar na mailaw, madaming sasakyan at maingay. Tumingin ako sa likod ko at ang lalaking humahabol sa akin ay hindi ko na nakita kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag. Hingal na hingal ako at wala pang isang minuto ay tumingin muli ako sa paligid at muli ko siyang nakita na nakatayo sa isang poste at nakatingin sa akin. Takot na takot na ako. Inaabangan niya ako.
Tumakbo ulit ako kahit na pagod na pagod na ako. Nakita ko ang isang lalaking naka-all black, nakasuot siya ng black long sleeve polo at black pants. Malaki rin ang kan'yang katawan at halata ang kan'yang dibdib dahil fitted ang suot niyang polo. Naglalakad siya at napansin ko ang pagpindot niya sa key fob ng kan'yang kotse para ma-unlocked ito. Tumunog at umilaw ang black na kotseng nasa likod ko.
"Hey, Travis!" sambit ng isang lalaki na lumabas sa isang bar.
Lumingon naman ang lalaking tinawag na Travis. "Hey!"
"Uuwi ka na?" tanong ng lalaki.
"Yes, why?"
"Won't you take Samantha to your house?" tanong niya habang nakangiti.
"No, hindi ako interestedo sa kan'ya."
"How about... Sabrina?" Binigyan ng lalaki ang kausap niya ng nang-aasar na tingin.
Napatawa naman ang tinawag na Travis. Hindi ko na pa pinakinggan ang usapan nila dahil ang gusto ko ay makaalis na dito dahil sobra na akong natatakot. Dahan-dahan akong pumasok sa kotse niya at sumakay sa likod habang todo yuko ako. May kotse pa sa harap kaya hindi nila ako mapapansin. I have no choice, kailangan kong gawin ito. Nang makapasok na ako ay naghintay ako ng isang kotse na isasara ang pinto kaya pasilip silip ko at luckily, nakita ko ang isang babae na pasakay sa kotse niya kaya nang isara na niya ang pinto ng kotse niya ay sinabayan ko na rin ang pagsara para hindi malaman ng lalaki na may pumasok sa kotse niya.
Todo tago ako at upo ako sa likod ng driver seat. Naiipit na ako pero kailangan tiisin. Ilang saglit lang ay napatingala ako dahil napansin ko na ang lalaki na nasa labas na ng kotse niya at pasakay na. Pagpasok niya sa kan'yang kotse, naamoy ko kaagad ang kan'yang pabago na talaga namang mapapatirik ang mga mata ko. Ang bango grabe! Parang ang sarap kumandong sa kan'ya! No, mali itong naiisip ko! Hindi dapat ganito ang iniisip ko lalo na sa nangyayari ngayon. Hindi ko pa kilala ang lalaking ito at hindi ko alam kung mabait ba siya or what.
What if... kapag nakita niya ako ay may masama rin siyang balak sa akin? Oh my! Sana hindi!
Tahimik lang ang byahe at ang smooth lang niya ang mag-drive. May tumawag sa kan'yang phone at agad naman niya itong sinagot.
"Mom?" aniya sa kabilang linya. "Yes, I'm going don't worry. Nagda-drive ako, I'll call you later."
Nagulat ako sa malalim niyang boses na nagpainit sa dalawa kong pisngi. Ang gwapo ng boses niya! Hindi ko pa alam kung gwapo siya dahil hindi ko naman masyadong nasilayan ang kan'yang hitsura. Napangiti ako sabay tupi ng labi ko. Sinandal ko ang ulo ko sa upuan at paulit-ulit na iniisip ang kan'yang boses hanggang sa mapapikit ako.
Nagising ako sa pagsara ng pinto ng kotse. Ang sakit ng batok ko dahil nakatingala akong sumandal kanina hanggang sa hindi inaasahan na nakatulog. Nangawit din ang mga paa ko kaya inunat ko na muna bago lumabas ng kotse. Hindi ko alam kung nasa'an ako.
Bumaba ako ng kotse at lalabas na sana ako ng gate nang mapansin ko ang ganda at laki ng bahay. Lalo pa nagpaaliwalas at nagpalinis ay dahil sa kulay puti nitong pintura at may konting combination din ito ng gray. Mukhang bilyonaryo ang may-ari ng bahay na ito, halatang mamahalin. Sa sobrang mangha ko ay pumasok ako ng bahay niya at nakabukas lang naman ang pinto.
"Wow... Ang ganda!" Iyan lang ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ko.
Lahat ng gamit ay mukhang mamahalin kaya nakakatakot hawakan. Walang tao sa loob kaya hindi ko alam kung saan na punta ang lalaki. Nakita ko ang mahabang sofa na kulay gray, humiga ako at sobrang lambot at sobrang komportableng humiga dito na parang nakahiga na rin sa kama.
"Ang sarap!"
Hindi pa ako nakuntento at umakyat ako sa second floor ng bahay. Kung saan-saan na ako nakarating hanggang sa makapunta ako sa isang napakalaking kwarto. Feeling ko ay kalahati na ito ng bahay namin! Ang bango ng kwarto na ito at sobrang linis din. Nakita ko ang isang black suit na nakalagay sa kama. Binuksan ko ang isang pinto na nasa loob ng kwarto at pagkabukas ko ay doon ko lang nalaman yon pala ay cr. Ang cr ay parang cr na ng hotel.
Habang namamangha ako sa cr at nakatingin sa salamin ay bigla akong nagulat nang may lumabas na lalaki mula sa loob kung saan nandoon ang shower. Naka-half naked siya at nakatuwalya ng puti.
"Ahhh!" sigaw ko sa gulat.
Gulat niya akong tiningnan. "Who are you? Why are you here? Paano ka nakapasok?!"
Sunod-sunod ang kan'yang tanong. Hindi inaasahan na malaglag ang tuwalya niya kaya muli akong napasigaw at tumalikod sabay takip ng mga mata ko.