"How did you get in here?" Nagtatakang tanong ni Travis sa kan'ya. Nag-pout siya habang naglalakad. "Grabe naman, hindi mo man lang ako binati kahit ngiti lang or hug." Hindi siya sinagot ni Travis sa halip ay napapunas siya sa bibig niya at napakagat sa labi niya sabay iling. Tumingin ako muli kay Sabrina at nakita ko ang mataray niyang tingin sa akin. Tiningnan niya ako ng taas baba kaya mataray ko rin siyang tiningnan at tinaas ko ang isa kong kilay. "Hindi naman ako na-inform na may bisita ka pala," sabi niya sa mataray na boses. "She's Tiara's best friend. Nandito siya dahil may kailangan kaming pag-usapan," sagot ni Travis. "Like what?" "It's all about Tiara... You don't have to know about it," pagsisinungaling niya. Nagkibitbalikat siya sabay ikot ng mga mata niya. "Okay, per

