Nakauwi na kami ni Tiara at hinatid niya muli ako. Sinasanay niya talaga ako sa ganitong pahatid-hatid e parang si Travis lang, magkapatid nga talaga sila. Binuksan ko ang isang malaki at puti na box na nasa aking kama. Ito ang dress na binili namin ni Tiara kanina. Kinuha ko 'yon at tumapat sa salamin habang nakapatong ito sa akin. Manghang-mangha pa rin ako sa kagandahan ng dress na ito, ngayon lang din ako nagkaroon ng ganito ka mahal na dress at galing pa sa gustong-gusto kong lalaki na si Travis. "Ang ganda," masaya kong sambit habang nakatingin pa rin sa whole body na salamin sa aking kuwarto. Nag-message ako kay Travis. To: Sweet guy Thank you again and please don't do this again. Ilang minuto ang lumipas pero wala akong natanggap na mensahe mula sa kan'ya. Makailang beses din

