(ALEXIS’S POV) Kasalukuyan akong naka-upo rito sa sofa, habang kausap ko ang mga tauhan ko. “Ano'ng balita sa grupo ng Opra? Wala pa ba kayong alam kung sino-sino ang mga kasapi nila?” tanong ko. “Mr. White, nalaman naming apat na tao ang may hawak sa grupong Opra. Ngunit dalawa pa lang ang nakukuha namin. Nandito ang pangalan nila sa loob ng brown envelop.” Agad namang binigay sa akin ng tauhan ko ang brown envelop. Kumot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan nina Mr. Yuso at Mr. Vill. Kilala ko sila, mga sikat na negosyante. Sila pala ang mga taong gusto akong patayin. Hmmm! At sila rin ang mga grupong gustong pabagsakin ang Dominant Cassanova Group na kinabibilangan ko. Hindi na ako magtataka roon dahil patuloy na namamayagpag ang D. C Group na kung saan ako kabiling. At ngayon

