Pangiti-ngiti ako habang nakahiga sa kama. Iniisip ko kasi ang mukha ni Talong oras na makita nito ang aking pinadala. At nakakatiyak akong galit na galit ang lalaki. Sure rin akong ipapahanap ako nito. Mabuti na lang matalino ako. At talagang binalot ko nang husto buong katawan ko ng plastik na malaki. Aba! Alam ko yatang may cctv camera na sa bahay nito. Mahirap na kung mahuli ako. At nakakatiyak akong malalagot ako sa lalaki. Baka tuluyan na akong ibugsok sa lupa o puwedeng ibaon sa ilalim ng lupa. Bigla naman akong napatingin sa wall lock. At nakita kong maaga pa. Matutulog muna ako. Mamaya pa naman ako susunduin ni Mr. Eggplant. Napaisip din ako kung saan kami pupunta mamayang gabi? Ah! Iwan! Matutulog na kang ako. May ngiti tuloy sa aking labi nang tuluyan kong ikipit ang mga

