TANIELLA "Bakit mo naman naitanong iyan?" sa halip ay tanong ko rin. Tinaasan lang niya ako ng kilay. Bakit ba iba ang pinapakita niya sa akin ngayon? Pakiramdam ko nga ay nag-iiba ang kilos niya sa tuwing ako ang kaharap niya. Parang duda tuloy ako sa pagkakaibigan na in-offer niya. "Oo o hindi lang ang sagot, Taniella." Gusto ko matawa sa pagiging seryoso niya. Ano ba ang masamang hangin ang nasinghot niya at ang taray niya sa harap ko? Ano kaya kung sakyan ko ang pagmamataray niya? Wala naman mawawala kung susubukan ko. Isa pa, wala si Ralphie kaya hindi niya maririnig. Gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon niya. Para kasing nagkakaroon na ako ng ideya kung bakit ang taray niya sa akin ngayon. "Actually, gusto ko s'ya." I looked directly at her. I was right, she loo

