TANIELLA Inabot kami ng hapon sa ospital bago umuwi sa bahay ni Ralphie. Pagdating sa bahay ay masayang sinalubong ako ni Manang Elvie at Ermiela. Hinanap ng mata ko si Cherry pero wala ito sa sala. Baka busy sa kusina o kaya ay nasa quarters. "Kumusta na pakiramdam mo, Tanie?" tanong ni Ermiela. "Medyo okay na ako, Ermie. Huwag mo na ako alalahanin," nakangiting sagot ko. "Magpagaling ka para may kakwentuhan na ulit ako." Tumango lang ako bilang sagot. Inakay na ako ni Ralphie paakyat sa hagdan hanggang marating ang silid. Inalalayan niya akong maupo sa kama bago tinungo ang pintuan. "May gagawin ka?" tanong ko kaya napalingon ito sa akin. "I will get your food." "Pwede ba tayo mag-usap pagbalik mo?" He frowned before hesitantly nodding. I let out a deep sigh. I thought a

