RALPHIE Hindi kalayuan ay nakita ko si Redd na palapit sa akin. Natigilan ito habang titig na titig sa mukha ko. Alam kong hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pag-iyak ko kahit umuulan. Kilala ako ng mga kapatid kong hindi nagpapatangay sa emosyon but because of Taniella, he saw me crying. Kalaunan ay naglakad ito patungo sa sasakyan ko saka binuksan ang pintuan sa front seat. "Makakaligtas si Taniella, Kuya. Bring her to the nearest hospital. Kami na ni Kuya Travis ang bahala rito," sabi niya habang titig na titig sa akin. Maybe he couldn't believe that I could cry just because of a woman. But if he tries to get attached to a woman and fall in love, he will understand why I am like this. Hindi ko na nagawang magsalita. Tumango lang ako saka marahang pinaupo si Taniella sa front seat.

