TANIELLA Pagkatapos ng seryosong usapang iyon, naging tahimik na si Ralphie. Parang may kung anong bagay ang umukopa sa isipan nito. Ginalang ko na lang din ang pananahimik niya. Wala kaming ginawa maghapon kundi manatili lang sa loob ng resthouse. Masyadong mainit pa kasi kaya hindi pa pwede maligo sa dagat. Wala rin akong ibang ginawa kundi pagmasdan siya sa kanyang ginagawa na pabor naman sa akin dahil hindi ako nagsasawang pagmasdan siya lalo na ang kanyang gwapong mukha. Pero magkakasakit yata ako kung wala akong gagawin. Ayaw niya ako patulungin kahit sa pagluluto ng tanghalian namin. Heto nga at nakapangalumbaba na nakatunganga ako sa kanya habang naghihiwa siya ng mga panghalo sa sinigang na lulutuin niya. "Bored?" pukaw niya sa pananahimik ko. "Hindi naman ako nabo-bored ka

