TANIELLA Paglabas ko ng banyo ay hindi ko na nakita si Ralphie, sa halip ay si Tita Lindsy at Tito Ravi na lang ang nakita ko. "Si Ralphie po?" tanong ko ng makalapit. "Nauna na, hija." Pinigilan kong huwag sumimangot sa harap ni Tita Lindsy. Siraulong lalaking iyon, iniwan ako. "Si Jovann at Jordan na ang bahala sa 'yo, hija. Sumunod na lang kayo sa amin," sabi ni Tito Ravi. Tumango na lang ako kahit nainis ako bigla. Nakasimangot habang nakatingin ako sa labas. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan patungo sa lugar kung saan gaganapin ang selebrasyon. "Saan tayo pupunta?" hindi ko na napigilang itanong sa dalawa dahil napansin ko ay medyo malayo na ang nararating namin. Saan ba ang venue at parang malayo yata? "Sa Tagaytay, Miss Taniella," sagot ni Jordan. Malawak ang

