TANIELLA Napakislot ako at marahang kumilos. Nang magmulat ako ng mata ay saka ko malinaw na narinig ang ingay na nagmumula sa kung saan. Mas lalo itong lumakas ng marinig ko ang katagang, "gising na s'ya". Marahan akong bumangon para alamin ngunit nababalot ng makapal na tela ang kinaroroonan ko. Isa pa, para akong dinuduyan kaya nakaramdam ako ng pagkahilo. Nang nilibot ko ang tingin sa kinaroonan ko ay napakunot ang aking noo. Hindi ako maaaring magkamali, nasa loob ako ng isang malaking hawla na may rehas na bakal. I held on to the railing and grabbed the covering cloth but it was too slippery for me to hold. Ilang sandali lang ay mas malinaw kong narinig ang malakas na boses ng isang lalaki na tila announcer base na rin sa kung paano ito magbitaw ng salita at bigkasin ang bawat si

