TANIELLA Pagkatapos kumain ay pumanhik na agad ako sa silid. Naiwan si Ralphie sa baba dahil kakausapin pa raw nito si Jovann at ang mga tauhan nito. Ilang araw na ring wala si Jordan dahil nagpaalam ito na dadalawin muna ang pamilya. Dumiretso ako sa banyo para mag half bath. Ilang minuto lang ang ginugol ko sa loob at pagkatapos ay agad kong tinungo ang closet. Mabilis na naghanap ang mata ko ng lingerie, 'yung lingerie na magpapaluwa ng mata niya pagpasok at pagkakita pa lang sa akin. I smiled when I saw the red lingerie. Ito na lang yata ang hindi ko nasusuot. Pero sabagay, nitong mga nakalipas na araw ay pair ng pantulog ang sinusuot ko. Lingerie is only reserved for when I know something is going to happen between the two of us. Simula ng umalis kami sa isla, marami na ang nan

