“Ayos na ba ang lahat?” tanong ni Vangie kay Bert habang patuloy sa pagtingin sa kanilang gamit. Tumango si Bert na katatapos lang bihisan si Joseph. “Ayos na.” “Okay. Halika na at baka kanina pa andoon sa airport sila Macy,” ani Vangie. Natapos na kasing ibenta ni Vangie ang kanilang mga lupa. Sa tulong ni Bert na may kakilalang naghahanap ng mga lupa ay naging maayos ang transaksyon. At bago sila bumalik sa Canada ay napag-isipan nila pumunta muna sa Palawan at magbakasyon doon. Kasama nila pati ang mga magulang ni Bert. Ito na rin ang magiging despidida nila. Dalawang maleta na maliit ang kanilang dala at isang bag na malaki. Ang isang bag kasi ay kay Macy dahil kaunti lang dala nitong damit noong kasama nito si Sheila. Doon na rin nila katatagpuin ang mga ito sa Tacloban. “Co

