Sa isang beach resort sa Palawan nila napiling pumunta. Gabi na noong makarating sila roon. Mabuti na lamang ay nauna na silang nagpareserba rito. Hindi ganoong karami ang mga turista sa resort. Hindi rin naging mabigat ang gastos kay Vangie dahil naghati sila ni Bert. Halos ilan na nga lang ang iniambag niya kasi ayaw sana siya pagastusin ni Bert. Pero nagpumilit lang siya dahil nga sila naman ang aalis. Nirentahan nila ang isang villa na may dalawang palapag. Malapit lamang iyon sa dagat kaya tanaw na tanaw nila ang malawak na karagatan. Mayroong tatlong silid sa itaas. Ang isa na malapit sa hagdan ay doon pumwesto ang mag-asawang Lucia at Boyong. Kasama rin nila roon si Banjo. Sa tabing silid ay si Sheila at Macy naman ang pwesto. At sa pinaka malaking silid na katapat ng mga ito ay s

