Chapter 28

1369 Words

“Mahal, may pupuntahan ako mamaya. Okay lang ba?” paalam ni Bert. Nasa banyo siya at kasalukuyang na liligo. Sandaling napatigil si Vangie sa pagtutupi ng kanilang mga damit. “Saan?” tanong niya. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagtutupi. “Niyayaya kasi ako sa fiesta ng tropa,” tugon nito. “Pero ayos lang kung ayaw mo. Hindi naman din ako um-oo sa kanila.” Bumuntonghininga si Vangie. Hindi niya gusto na pigilan ito sa mga gusto nitong gawin. “Ayos lang. Ano ka ba? Pumunta ka.” Napatingin si Vangie sa pinto ng banyo nang bumukas iyon. Agad na sumabog ang mumurahing sabon na kanilang pangligo. Napalunok siya nang lumabas si Bert na walang saplot habang nagpupunas ng katawan. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. “Sigurado ka?” Lumapit si Bert sa cabinet at kumuha roon ng masusuot sa cabinet.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD