Halos madurog ang puso ni Vangie nang makita niya ang kanyang asawa na may kaniig sa bukid. Kauuwe lang nito mula sa Maynila at na isipang magsaka sa lupa nila dahil na miss raw nito iyon. Sinundan niya ito roon para dalhan ng tanghalian. Hindi niya inakala na mayroon pala itong ibang kasama at mayroon nang ginagawang milagro. Papunta na sana kay Sheila pero na salubong niya ang nanay ni Fredo. “Vangie? Ano ang nangyari sa ‘yo? Bakit ka umiiyak?” puno ng pag-aalalang tanong nito sa kanya. Hinawakan siya nito sa balikat at pilit na inangat ang mukha. Halos hindi na makita ni Vangie ang mukha nito dahil sa punong-puno ng mga luha ang kanyang mga mata. Hindi na niya inalala pa kung nasa gitna sila ng kalsada. Yumakap siya sa kanyang byenan at doon umiyak nang umiyak. “M-Ma. S-Si Fredo…”

