Pakiramdam ni Vangie ay bigla siyang bumalik sa nakaraan habang nakaangkas siya sa motorsiklo ni Bert. Nahihiya pa siya rito kaya sa balikat lang siya nito humawak. Pero bago nito patakbuhin ang motorsiklo ay hinila nito ang kanyang kamay at ipinulupot sa baywang nito.
“Ano’ng ginagawa mo?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Vangie. Hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkailang noong madikit ang kanyang katawan sa likod nito.
“Mas safe kung dito ka hahawak. May free abs ka pa.”
Agad na napasimangot si Vangie at kinurot ang tiyan ni Bert. Nahirapan pa siya dahil matigas pala iyon. Para bang humawak siya sa bato. Bahagya naman itong napaigtad kaya mas lalo itong napadikit sa kanya. Natigilan siya noong tumama ang kanyang dibdib sa likod nito. Na iilang na umiwas si Vangie.
“P-Puro ka talaga kalokohan,” mahinang sabi niya.
“Humawak ka na kasi. Ayaw mo pang maniwala.”
Napailing si Vangie at umayos ng upo. Ngayon na lang siya ulit sumakay sa motorsiklo kaya naman ay yumakap na rin siya sa baywang ni Bert. Napalunok siya nang maamoy niya ang panglalakeng amoy nito. Parang mayroong nabuhay sa kanyang loob nang maamoy niya iyon. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso at nag-init ang kanyang mga pisngi. Labis siyang naguguluhan sa kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay nagbabalik siya sa pagkabata dahil kay Bert.
Bumuntonghininga siya pilit iwinaksi sa kanyang isipan ang kanyang nararamdaman.
“Kumapit ka ng maayos ha?” ani Bert at pinaandar na ang motorsiklo.
Hindi na tumugon si Vangie at tumungo lang. Medyo na sisilaw kasi siya sinag ng araw. Hindi manlang siya pinasuot ng jacket ni Bert. Napailing siya nang maisip niya iyon. Bakit ba masyado siyang nage-expect dito? Hindi dapat siya masyadong madala sa mga pasimpleng galaw ng binata.
“Vangie,” tawag sa kanya ni Bert habang nagmamaneho ito.
Nag-angat ng ulo ni Vangie at bahagya itong sinilip. Ang gwapo naman pala nito, aniya sa kanyang isipan. Na bigyan kasi siya ng pagkakataon na matitigan ito nang malapitan. Para siyang pinabatang Richard Gomez.
“Oh?”
“Kung liligawan kita. Papayag ka ba?”
Bahagyang na paawang ang bibig ni Vangie. Sa dinami-daming lugar na pagtatanungan sa kanya ni Bert ay rito pa talaga. Napakapit tuloy siya ng maayos kay Bert. Mabuti na lang at nasa likuran siya ng binata at hindi nito nakikita ang pamumula niya. Hindi niya ito sinagot. Hindi niya rin naman alam kung ano ang isasagot niya rito. Papayag ba siya kung liligawan siya nito? Hindi niya alam.
Masyado pang maaga para sabihin na gusto niya rin ito. Oo nga’t na aapektuhan siya mga simpleng banat nito. Pero hindi ibig sabihin no’n ay gusto na niya ito. Tahimik lang siya at hindi na nagsalita hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Ipinara nito ang motorsiklo sa tapat ng kanyang bahay.
“Salamat,” ani Vangie. Hinubad na niya ang kanyang helmet. Akmang kukuhain ang bayong na nakasabit sa may manibela ng motorsiklo.
“Hindi mo manlang ba ako papapasukin sa loob?”
Natigil si Vangie at tinitigan si Bert. Nakangiti ito sa kanya na para bang hindi siya tinanong kanina na liligawan siya. Bumuntonghininga siya. Ayaw naman niyang isipin nito na masyadong masama ang kanyang ugali.
“Sige. Pasok ka muna,” aniya at kinuha na ang bayong. Tapos inabot kay Bert ang helmet. “Umayos ka ha?” Tumalikod na siya rito at tinanggal ang pagkaka-lock ng gate.
“Maayos naman ako ah?”
Na iikot ni Vangie ang kanyang mga mata. Hindi na lang siya sumagot at tuluyan nang pumasok sa kanyang bakuran. Binuksan niya na rin ang pinto at pumasok sa loob. Narinig niyang sumunod sa kanya si Bert.
“Wow. Ang ganda pala rito sa loob.”
Sandali niyang nilingon ito. Dere-deretso itong pumasok at na upo sa sofa. Hinayaan na lamang ito ni Vangie at dumeretso naman siya sa kusina. Inilapag niya muna ang bayong na kanyang dala sa lababo. Saka kumuha ng malamig na juice sa ref at nagsalin sa baso. Inilabas niya iyon sa sofa at nakita niyang nagkatingin si Bert sa mga picture ng kanyang mga anak.
“Mga anak mo sila?” tanong ni Bert.
Inilapag ni Vangie ang dala niyang inumin sa lamesita. “Oo.”
Tumango-tango si Bert. “Ang gaganda ng lahi mo ha?” ani Bert. “Ang gwapo ng lalake. Pwedeng palahi rin?”
“Pwede ba?” inis na sabi ni Vangie. Natutuwa na sana siya pero bigla siyang na inis sa huling sinabi nito. Akala siguro nito ay madali lang siya madala sa mga ganoong bagay.
Tumawa si Bert. “Oo nga. Siguro ang ganda rin ng magiging anak natin, o gwapo. Gusto ko ng lalake eh.”
Tinitigan niya ito ng masama. Pagkatapos ay umiling-iling siya at tumalikod dito. “Inumin mo na ‘yang juice mo at umalis ka na!” inis na sabi niya at nag-martsa papunta sa kusina. Parang ang dali-dali lang para rito ang pagbuntis. Limang bata na ang lumabas sa kanya at suko na siya. Isa pa ay matanda na siya para roon. Sandaling natigilan si Vangie. Bakit ko ba iniintindi mga sinasabi niya?
“Ito naman hindi na mabiro,” ani Bert.
Hindi na niya ito pinansin at inayos ang isda na kanyang binili. Hinugasan niya ulit iyon at inilagay sat upper. Pagkatapos ay ipinasok na sa freezer ng refrigerator. Nang matapos siya muli siyang lumabas ng kusina. Bahagya pa siyang nagulat nang makita niyang nasa sala pa rin si Bert.
“Bakit hindi ka ba umaalis?”
Tumingin sa kanya si Bert at lumabi. “Ang init talaga ng dugo mo sa akin.”
Iniikot ni Vangie ang kanyang mga mata at naglakad papunta sa kanyang tindahan. Sino ba ang hindi maiinis sa kanya? Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito. Tapos kanina ay ninakawan pa siya ng halik. Muling nag-init ang mga pisngi ni Vangie nang maalala niya ang halik ni Bert kanina. Iniling-iling niya ang kanyang ulo para mawala iyon sa kanyang isipan.
“Tulungan na kita.”
Halos mapalundag na sa gulat si Vangie nang biglang magsalita mula sa kanyang likuran si Bert. Nag-aayos na kasi siya ng kanyang mga paninda. Nilingon niya ito.
“P-Paki bukas na lang no’n.” Tinuro niya ang malaking bintana ng kanyang tindahan.
“Sige.”
Hinatid ni Vangie ng tingin si Bert noong papalabas na ito. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Ang bilis kasi ng pagtibok ng kanyang puso.
“Kalma, Vangie. Bakit ba masyado kang apektado?” mahina niyang sabi.
Pinagpatuloy na niya ang kanyang ginagawa. Isa-isa niyang inilabas ang mga biscuit at sitsirya mula sa storage box saka isinabit sa harapan sa wire mesh. Ganito ang palagi niyang ginagawa dahil kapag hinahayaan niya lang sa labas ay nginangatngat naman ng daga, o kaya ay napapasukan ng mga langgam. Bahagya pa siyang napapikit nang masilaw siya noong tuluyang nang mabuksan ni Bert ang malaking bintana. Pagkatapos ay muli itong bumalik sa loob. Pakiramdam ni Vangie ay biglang sumikip ang kanyang tindahan dahil andoon ito. Tinulungan siya ni Bert na magsabit ng mga paninda niya.
“Vangie,” ani Bert. “Alam kong na kukulitan ka na sa akin. Pasensya na.”
Sandaling napatingin si Vangie kay Bert. Seryoso na ang mukha nito habang nagsasabit ng mga paninda niya. Muling ibinalik ni Vangie ang kanyang mga tingin sa paninda.
“Umayos ka rin kasi. Sa tanda ko na ‘to tapos babanatan mo ako ng mga ganoon?”
“Eh, totoo naman ang mga banat ko. Gusto kita, Vangie.”
Muling natigilan si Vangie. Naramdaman niyang hurminturyo ang kanyang puso. Pinagpawisan din siya ng malamig.
“H-Ha?”
Tumigil si Bert sa kanyang ginagawa at humarap kay Vangie. Kinabig niya si Vangie paharap sa kanya.
“Gusto kita, Vangie. Seryoso ako at walang halong biro iyon. Pakiramdam ko nga ay na-love-at-first sight ako sa ‘yo.”
Napalunok si Vangie. Nakaawang lang ang kanyang bibig habang nakatingin sa mga mata ni Bert na ngungusap. Pakiramdam niya ay bigla siyang nadala sa mga titig nito. Muli niyang na iikom ang kanyang bibig nang bumaba ang kanyang mga tingin sa labi nito. Mabilis siyang umiwas ng tingin dito at pinagpatuloy ang ginagawa.
“A-Alam mo, Bert. Masyado na akong matanda para sa mga ganyan. Kung pinagti-trip-an mo lang ako ay tumigil ka,” na iilang na sabi ni Vangie. Pilit niyang kinokontrol ang kanyang sarili. Matapos nilang maghiwalay ng kanyang asawa ay ngayon na lang na naman nagwala ang kanyang puso ng ganito.
“Wala naman sa edad ang pagmamahal eh.”
Muling natigilan si Vangie. Pinilit niyang ngumiti kay Bert. “Hindi ‘yan pagmamahal. Alam mo, walang patutunguhan ‘tong pag-uusap natin. Salamat sa paghatid sa akin at pagtulong. Makakaalis ka na,” aniya nang hindi tumitingin sa binata. Wala na siyang panahon para sa mga ganoong bagay. Narinig niyang bumuntonghininga si Bert.
“Okay. Pasensya na kung na bigla kita, pero hindi ako titigil. Gusto kita, Vangie. Liligawan kita.”
© 07 – 13