Fifteen years, ganoon na katagal mula noong maghiwalay si Vangie at ang kanyang asawa. Ni sa hinagap ay hindi na niya na isip pa na magkakaroon siya ng ibang lalaki sa kanyang buhay. Gano’ng katagal siyang walang kasama sa buhay maliban sa kanyang mga anak. Hinayaan niyang mapetisyon ang mga ito ng kanilang ama para magkaroon sila ng magandang buhay. Kahit na alam niya na maiiwan siyang mag-isa rito sa Pilipinas ay hinayaan niya lamang iyon. Ayaw niyang ipagkait iyon sa kaniyang mga anak.
Fifteen years na rin ang nakalipas noong huling tumibok ang kanyang puso. Lahat ng mga naramdaman niya mula kay Fredo ay hindi na niya muli pang naramdaman. Mula noon hanggang ngayon ay tanging ang dati lamang niyang asawa ang nakawak o nakayakap sa kanya, lalo na ang nakahalik. Para sa kanya ay tapos na siya sa ganoong mga kaganapan.
Maliban ngayon…
Mariin na hinahalikan ni Bert si Vangie. Parang biglang nanigas ang kanyang katawan sa gulat at hindi na siya nakagalaw pa. Halos maduling na siya noong idinilat niya ang kanyang mga mata. Nakapikit lamang si Bert habang ninanamnam ang magkadaupan nilang mga labi. Ang isang braso nito ay nakahawak sa bayong niya ay nakapulupot sa kanyang baywang. Ang isa namang kamay nito ay nasa likod ng kanyang ulo.
Gusto niyang itulak si Bert. Gusto niya itong sampalin o bugbugin pero hindi niya magawa. Para bang may mahika na ginawa sa kanya ang binata at ang sunod na lamang niyang namalayan ay nakapikit na rin siya, tinutugon ang mga halik nito. Sa mga oras na iyon ay pakiramdam ni Vangie ay nabuwag ang pundasyong matagal na niyang binuo para mapalayo sa mga lalake ang kanyang loob. Labing limang buwan niya iyong itinatag, pero ngayon ay biglang nasira.
Ganito pala ang pakiramdam ng halik?
Sa tagal na niyang hindi nakatikim niyon ay parang bumalik siya noong dise sais pa lang siya. Parang may nabuhay sa kanyang loob at gustong gusto niya ang pakiramdam na iyon.
“Sus masryosep!”
Agad na isinubsob ni Vangie ang kanyang mukha sa dibdib ni Bert nang may marinig siyang nagsalita mula sa kanyang likuran. Parang bigla siyang na tauhan. Si Bert naman ay kinabig pa siya papalapit para hindi makita ang kanyang mukha.
Diyos ko! Nakakahiya! ani Vangie sa kanyang isipan. Ramdam na ramdam niya pag-iinit ng kanyang mga pisngi.
“Kung may balak kayong maglampungan maghanap kayo ng kwarto ha? Doon sa gubat! Maraming pwesto roon!” ani ng lalaking nagsalita.
“Pasensya na manong. Matagal kasi kaming hingi nagkita ng girlfriend ko,” tugon ni Bert. Kung magsalita ito ay para bang wala lang sa kanya na mayroong nakakita sa kanilang dalawa ni Vangie.
“Tsk!”
Narinig na lamang ni Vangie na palatak ng lalaki. Ilang sandali pa sila sa ganoong posisyon ni Bert. Hindi umimik si Vangie dahil sa labis na kahihiyan. Sa tanda na niyang ito ay nahuhuli pa siyang nakikipaglampungan sa labas. Napakislot siya noong maramdaman niyang lalo pang humigpit ang yakap nito sa kanya. Napakunot ang noo niya nang makaramdam siya ng mumunting mga halik sa tuktok ng kanyang ulo.
“Wala na ba?” tanong ni Vangie.
“Wala na,” bulong ni Bert.
“Ha?” Biglang iniangat ni Vangie ang kanyang ulo, pero natigilan siya nang makita niyang kahibla na lamang ang layo ng kanyang mukha sa mukha nito. Mabilis na umatras si Vangie at hinampas sa dibdib si Bert.
“Aray!” natatawang reklamo ni Bert habang umiiwas kay Vangie.
“Pinagti-trip-an mo talaga ako ‘no?! Bakit hindi mo sinabi sa akin na wala na pala?”
Ngumisi ng malapad si Bert. “Eh akala ko gusto mo pa akong kayakap.”
Pakiramdam ni Vangie ay pulang pula ang buo niyang mukha. Bumuntonghiniga siya at pilit na winaksi ang nangyari sa kanila ni Bert.
“Akin na nga ‘yang isda! Nakakainis ka na ha!” Sinubukan niyang abutin ang bayong kay Bert pero mabilis niya lang itong itinaas.
“Ako na nga ang magdadala at sasamahan kita,” pagpupumilit nito.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Vangie nang hatakin siya ni Bert palabas sa bangketang kanilang kinapupwestuhan. Para siyang kinukuryente habang magkadikit ang kanilang mga balat.
Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa akin? nagtatakang tanong niya sa kanyang isipan. Hindi siya madaling pasunurin ng kung sino, lalo na ang mas bata sa kanya. Pero pagdating kay Bert ay labis siyang na aapektuhan. Alam niyang masyado pang maaga para magbigay ng ispikulasyon, pero sa lahat ng mga nanligaw sa kanya ay si Bert lamang ang nakapagbigay sa kanya ng pakiramdam na kagaya sa dati niyang asawa. Mali, pakiramdam niya ay mas higit pa ito.
“Ano pa ba ang bibilhin mo?” tanong ni Bert kay Vangie habang nagtitingin-tingin sa mga paninda na kanilang nadadaanan.
Hindi umimik si Vangie. Nanatili siyang nakatungo at sumusunod lang sa binata. Pakiramdam niya kasi ay pulang-pula na ang kanyang mga pisngi. Hindi na bahagy sa kanya ang mga ganito.
“Gulay ba?” tanong muli nito. Pero kagaya kanina ay hindi pa rin siya sumagot. “Vangie?”
“H-Ha?” Doon lang natauhan si Vangie. Tumingin siya kay Bert at napalunok siya noong makita niyang nakatitig pala ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin at tumingin sa mga paninda kanilang harapan. “Ahh… ano… ahm. O-Oo. Gulay!” nauutal niyang sabi.
Nakakahiya naman, Vangie! Umayos ka nga! pagalit na sabi niya sa kanyang isipan.
Tumango-tango si Bert. “Anong gulay ang kinakain mo? Talong? Gusto mo ba?”
“Talong?” Kumunot ang noo ni Vangie. Yung tono kasi ni Bert ay parang may laman.
Nakangising lumingon si Bert kay Vangie. “Oo. Talong… ko,” nanungudyong sabi nito at kumindat kay Vangie.
Na iawang ni Vangie ang kanyang bibig. Pakiramdam niya ngayon ay nagkukulay na sa kamatis ang kanyang mukha. Mabilis na siyang lumingon sa tindera at medyo nakahinga ng malauwag si Vangie nang makita niyang hindi ito nakatingin sa kanila. Muli niyang tiningnan si Bert at pinanilatan ito. Hinila niya ang kanyang kamay na hawak pa rin nito.
“Ako na!” inis na sabi niya. Mukhang natutuwa na siyang buskahin siya nang buskahin.
Tumawa ng malakas si Bert. Hindi ito umusod at nanatiling nakatayo, kaya naman ay hinayaan na lamang ito ni Vangie at nagtingin-tingn siya sa lamesang puno ng gulay.
“Okay lang ba sa ‘yo ang mahaba at matabang talong?”
Halos masamid na si Vangie sa tanong ni Bert. Paglingon niya rito ay may hawak na itong talong at sinisipat-sipat. Muli niyang binalik ang kanyang tinging sa lamesa. Kalma lang, Vangie. Hayaan mo na siya.
“Vangie, ano? Sa akin kasi gano’n.”
Agad na nilingon ni Bert at bahagya itong hinampas ng nadampot niyang talong. “Tumigil ka nga!” singhal niya rito. Hindi na niya makayanan ang pang-aasar nito. Natigilan si Vangie nang marinig niyang tumatawa na ang tindera. Mukhang narinig nito ang sinabi ng binata.
“Naku, kuya. Ako, gusto ko ng talong mo,” natatawang sabi nito.
Lalong napasimangot si Vangie at muling tumingin sa lamesa. Samantalang si Bert naman ay ngumisi ng malapad.
“Talaga?”
Biglang nagpantig ang tainga ni Vangie. Pinilit niyang h’wag lingunin ang dalawa dahil hindi na niya mapigilan ang pagsimangot. Pakiramdam niya ay mas lalo siyang na bweset. Sa harapan niya pa talaga naglandian ang dalawa.
“Kaso isa lang gusto ng talong ko eh.”
Sandaling napatigil si Vangie sa sinabi ni Bert. Napahugot siya ng malalim na paghinga.
“Ay sayang. Sino naman?”
Ibinaba ni Vangie ang gulay na kanyang hawak at kunyari mayroon hinanap sa kanyang bag. Bigla siyang naging interesado sa isasagot ni Bert. Pero lumipas lang ang ilang sandali ay hindi ito tumugon. Kaya naman ay napalingon na siya rito at sumalubong sa kanya ang nakangisi nitong mukha.
Baliw na talaga ‘to.
Agad na sumimangot si Vangie. Sinamaan niya ito ng tingin at tumalikod. Pagkatapos ay naglakad siya palayo rito. Hindi na niya talaga kakayanin kung magtatagal pa siyang kausap ito. Ano bang pakialam niya sa gusto ng talong nito? Bahala na ito sa kanyang buhay.
“Vangie! Sandali!” tawag ni Bert.
Hindi ito nilingon ni Vangie. Na iinis na siya. Pakiramdam niya ay bigla siyang na bitin sa balitang kanyang hinihintay. Bakit ba kasi nagtanong pa ito tungkol sa talong?
Deretso siyang naglakad papunta sa waiting shed. Sa dulo ng palengke.
“Vangie!”
Napatigil sa paglalakad si Vangie nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Ayaw niya sana lingunin ito, pero ayaw naman niyang mahalata nito na masama ang kanyang loob dahil sat along.
Tsk! Tumigil ka na nga kakaisip sa talong!
“Ano?”
“Iiwan mo ba ‘tong isda?” anito at itinaas ang hawak na bayong.
Bumuntonghininga si Vangie. Muntik pa tuloy niyang makalimutan ang ulam niya.
“Akin na.” Inilahad niya ang kanyang mga kamay.
“Hatid na kita.”
Imbes na ibigay sa kanyang ang bayong hinila siya nito. Hindi na nakaangal pa si Vangie dahil mahigpit ang naginghawak sa kanya ni Bert. Isa pa ay ang lalaki ng mga hakbang nito kaya halos madapa pa siya sa pagmamadaling masabayan ito.
“Sandali lang ha?” anito nang makarating sila sa waiting shed.
Iniwan siya nito roon at umalis. Hinatid naman ito ng tingin ni Vangie. Naglakad si Bert papunta sa may parking lot sa gilid ng waiting shed. Hindi na niya ito natanaw pa dahil pumasok pa ito sa loob. Nagkibit-balikat na lamang siya at na upo sa sementong upuan. Maya-maya pa ay may narinig siyang tunog ng motorsiklo. Pagkatapos ay sumulpot mula sa gilid si Bert, nakasakay na ito sa isang honda TMX. Malapad ang ngiti nito habang pinapatunog pa ang makina ng motorsiklo. Bumaba ito mula sa motorsiklo at lumapit sa kanya. Bahagyang napaatras si Vangie noong suotan siya nito ng helmet.
“Teka? Isasakay mo ako riyan?” nagtatakang tanong ni Vangie habang nakatingin sa motorsiklo.
Tumango si Bert at ipinagpatuloy ang pagsusuot ng helmet kay Vangie. “Oo.”
“Ha? Ayoko! Magta-traysikel na lang ako!” tanggi niya at akmang tatanggalin ang suot niyang helmet.
“Ano ba? Ako ang bahala sa ‘yo.” Nakangiting sabi ni Bert at kinindatan na naman siya.
Agad na nag-iwas ng tingin si Vangie dahil biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Siguro kung ibang lalake ang panay ang kindat sa kanya ay kanina pa niya na sundot ang mata. Pero si Bert, hindi niya alam kung bakit parang kinikilig pa siya. Bumuntonghininga si Vangie.
“Sige na nga.”
© 07 – 12