Marica: Ma, magpa-sched ka na po ng medical. I will send you the contact number of the hospital so you can talk to them. Magpapadala po kami sa makalawa ng pera for your fee. Halos mahigit ni Vangie ang kanyang hininga habang binabasa ang mensahe ng kanyang anak. Nakagat niya ang kanyang labi at napatitig sa labas ng kanyang tindahan. Ano na ang gagawin ko? tanong niya sa kanyang sarili. Hindi pa niya na babanggit kay Bert ang tungkol sa pag-aasikaso niya ng papel. Ilang beses na niya sinubukan kaso bigla na lang na uumid ang kanyang dila. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang nobyo ang tungkol sa bagay na iyon, na hindi siya magagalit o masasaktan. Hindi naman kasi niya inakala na darating sa buhay niya si Bert. Tahimik lang siyang nagtitinda sa kanyang bahay at naghihintay

