“Bakit ngayon ka lang, Bert? Bakit hindi ka umuuwe rito tuwing gabi? Saan ka ba nagpupunta, ha?!” bungad ni Shane kay Bert kinaumagahan. Hindi na naman kasi ito umuwe kagabi. Halos gabi-gabi na lang ay hindi ito umuuwe sa kanila. Kung uuwe man ay lango sa alak. Halos maduwal si Shane nang hawiin siya ni Bert para pumasok sa bahay. Kahit na kabuwanan na niya ay hindi pa rin niya kinakaya ang amoy nito sa tuwing umiinom ito ng alak. Mabilis niyang tinakpan ang ilong at bibig. Para namang walang naririnig si Bert at tuloy-tuloy lang na naglakad papasok sa sala. Nakasalubong pa niya ang kanyang ina na pababa sa hagdan. “Oh, Bert. Kauuwe mo lang?” “Oo, ma! Hindi ko nga alam kung saan siya nagpupunta eh! Siguro may babae na ‘yan!” halos maputol na ang litid ni Shane sa leeg. Napabuntong

