“A-Ano’ng ibig sabihin nito?” Nalilitong tanong ni Vangie. Pinagpalit-palit niya ang kanyang tingin kay Bert at sa papel na hawak niya. Tumayo si Bert at tumabi kay Vangie. “Hindi kita niloko, Vangie.” Hinawakan ni Bert ang kamay ni Vangie. “Kahit kailan ay hindi kita niloko. Kahit noong mawala ka ay ikaw lang, Vangie. Ikaw lang ang andito.” Pakiramdam ni Vangie ay biglang lumaki ang kanyang ulo. Tatlong taon siyang nag-isip ng kung bakit nangyari sa kanila iyon ni Bert. Pinagbuntis niya ang kanyang anak na malayo ito sa sarili nitong ama. “N-Na saan na siya?” garalgal ang boses na tanong ni Vangie. Unti-unti na ring nalulukot ang hawak niyang papel dahil humihigpit ang pagkakakapit niya roon. Nangilid na rin ang kanyang mga luha. Hindi siya makapaniwala na naloko siya nito. Bumigat

