Pakiramdam ni Bert ay lumalaki ang kanyang ulo habang pinapanood niya papalabas ng kanilang bahay si Vangie. Hindi na niya na pigilan pa ang kanyang mga luha. “V-Vangie!” tawag niya rito. Ngunit tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin. Napakapit si Bert sa likod ng sofa. Doon ay parang bata siyang humagulhol. Akala niya kapag magkita silang muli ni Vangie ay magiging maayos silang muli. Akala niya ay babalik sila dati kung malalaman na nito ang katotohanan. Ang tagal ng panahon na hinintay niya ito. Araw-araw ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Akala lang pala niya ang lahat. Si Vangie, ang babaeng pinaka mamahal niya. Palagi niya hinihiling sa Diyos na mayakap niya ulit ito at makasama. Ngunit ngayon ay wala na. Hindi niya alam kung bakit. Sigurado naman siya na mahal pa rin siya

