“Vangie! Vangie!” Nagising si Vangie sa sunod-sunod na katok na mula sa kanyang gate. Hindi niya namalayan na nakatulugan na pala niya ang pag-iyak kagabi. Pinilit niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit hindi iyon mabuka. Noong hawakan niya iyon ay magang-maga iyon. Napabuntonghininga si Vangie at tumayo na. “Sandali!” aniya. Nasapo niya pa ang kanyang tiyan dahil kumakalam na iyon. Hindi na rin pala siya nakakain ng hapunan kagabi. Pagkababa niya ay agad siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon. Pakiramdam niya ay nagliwanag ang paligid niya noong makita niya si Sheila sa labas ng gate at karga-karga si Joseph. “Joseph!” Mabilis siyang lumapit sa gate at binuksan iyon. Kinuha niya ang anak mula sa bisig ni Sheila at dinala sa loob. Sumunod naman ang kaibigan niya. “Saan ba kayo

