Napatulala si Vangie habang pinagmamasdan ang nakatayong si Bert mula sa tabi ng pinto. Ang dami nitong gasgas sa mukha at may benda ang isang kamay. Mayroon ding malaking benda sa ulo nito na may kulay pula sa gitna. Nakasuot lang din ito ng hospital gown. Muling napahagulhol si Vangie. Wala sa sarili na nilapitan niya ito at biglang niyakap. Napangiwi naman si Bert noong kinabig siya ni Vangie. Masakit pa rin ang katawan niya dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya kahapon. Nagtamo siya ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan. Sa huli ay napangiti si Bert. Pasimple niyang hinalikan ang ulo nito at sinamyo ang natural nitong amoy. Na-miss niya iyon, sobra. Kinabig niya pa ito lalo gamit ang isang kamay niyang walang benda. “A-Akala ko may nangyari na sa ‘yong masama.

