Chapter 62

1694 Words

Kinabukasan ay nakalabas din agad si Bert mula sa ospital. Pinagbigyan ito ni Vangie noong hiniling nito na sa kanila manatili habang nagpapagaling. Mabilis namang sumang-ayon ang mga magulang ni Bert, at hindi naman iyon naging problema kay Macy. Masiglang nagluto ng adobong manok si Vangie para sa kanilang hapunan. Habang si Bert at Joseph ay nasa sala. Hinayaan ni Vangie na sumama si Macy kay Sheila kaya wala ito sa kanilang bahay. Hindi maiwasang mapangiti ni Vangie habang pinagmamasdan si Bert at Joseph na magkatabi sa sala. Nanonood sa tv si Bert at si Joseph naman ay naglalaro sa tabi nito. Paminsan-minsan ay nilalaro rin ni Bert si Joseph. Huminga siya nang malalim. Hindi pa nga pala niya nasasabi kay Bert kung ano siya sa buhay ni Joseph. Matapos niyang magluto ay naghain na si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD