Ilang segundo pa hindi nakapagsalita si Bert. Paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isipan ang sinabi ni Vangie. Tiningnan niya si Joseph na mahimbing pa rin ang tulog. “A-Akala ko ba anak ni Macy si Joseph?” nagtatakang tanong ni Bert. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya dahil sa sinabi ni Vangie. Ang alam niya kasi talaga ay si Macy ang nanay nito dahil sa sinabi ni Sheila. Umiling si Vangie. Humugot siya nang malalim na paghinga. “Hindi, Bert. S-Sorry.” Nanubig na ang kanyang mga mata. “Noong… Noong umalis ako. Noong na sa Canada na ako. Nalaman ko na magtatatlong buwan na pala akong buntis,” aniya. Tuloy-tuloy nang tumulo ang kanyang luha. Napapikit nang mariin si Bert. Sinapo niya ang noo. Pinagpatuloy niya iyon hanggang sa masuklay niya ang kanyang buhok. Muli niyang n

