Kinabukasan, nagising si Vangie dahil sa mumunting mga halik sa kanyang pisngi. Noong imulat niya ang kanyang mga mata ay nakangiti na sa kanyang harapan sina Bert at Joseph. Nakaupo ang mga ito sa magkabilang gilid niya at nakadungaw sa kanya. Sa kanyang kanan ay si Joseph, at sa kaliwa ay si Bert. “Good morning,” paos pang boses na sabi ni Vangie. “Morning, mami!” magkasabay na sabi ni Joseph at Bert. Napangiti nang malapad si Vangie. “Hmm… Ang sarap naman ng umaga ko.” Yumakap sa kanya si Joseph, na ginantihan naman niya ng yakap. “Oh, Mommy, kain na tayo ng almusal. Nagluto na si Daddy,” ani Bert. Nakaramdam agad ng pag-iinit ng mga pisngi si Vangie. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. “Mommy?” “Syempre. Mommy.” Lumapit si Bert kay Vangie at hinalikan ito sa noo. “Mommy,”

