Nakapikit lang si Vangie habang sila ay bumabyahe. Hinahayaan niyang humampas sa kanyang mukha ang malamig na simoy ng pang gabing hangin. Ganito pa lang sila at walang sinasabi si Bert ay gumagaan na ang kanyang pakiramdam. Nagmimistulang isang pampasaya sa kanya ang init ng katawan nito. Para ring isang musika sa kanyang pandinig ang t***k ng puso nito. Ilang sandali lamang ay tinigil ni Bert ang makina ng motorsiklo. Kumunot naman ang noo ni Vangie at nagmulat ng mga mata. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya noong makita niyang na sa gitna sila ng gubat. “Na sa farm ba tayo?” Tumango si Bert at tinuro ang parte sa likuran nila. Sinundan iyon ni Vangie at nakita niya ang gate ng farm. “Bakit naman tayo nandito? Gabit na ah?” nagtataka pa ring tanong ni Bert. “Basta.” Napangus

