“Bert. Andito ka pala.” Nag-angat ng ulo si Bert. Para siyang biglang nagising nang makita niya ang dating kinakasama. Nakaupo ito sa katapat nilang upuan at napapagitnaan nina Aira at Brenda. Walang kaemo-emosyong tiningnan niya ito. Ang akala niya ay hindi ito pupunta dahil na balitaan niyang umuwe na ito pabalik sa Maynila. “Oo, Shane,” si Aira ang sumagot. “Si Vangie. Girlfriend ni Bert.” Bahagyang nagulat si Vangie noong ipakilala siya ni Aira. Napangiwi siya noong makita niyang nanlalaki ang mga mata ni Shane at matalim ang mga tingin sa kanila, lalo na sa kanya. Ngumisi si Shane. “Talaga? Naka-move on ka na?” nang uusig na tanong niya. Napataas ang kilay ni Vangie. Hindi niya na gustuhan ang tono ni Shane. Tumayo na siya at hinawakan sa braso si Bert. “Ligo na tayo?” Ngu

