Matapos nilang maligo ay muli silang bumalik sa cottage. Halos mangatog ang mga tuhod ni Vangie habang naglalakad dahil sa lamig at pagod na kanyang nararamdaman. Nakaakbay pa sa kanya si Bert habang naglalakad sila. Kaya naman ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga mapanuring mata ni Shane. Naniningkit ang mga mata nito na para bang lalamunin na sila ng buhay. Hindi na lamang ito pinansin ni Vangie at na upo sa rati nilang kinauupuan. Kinuha ni Bert ang jacket sa loob ng bag na dala nila at ipinatong iyon sa likod ni Vangie. Nagising na siya dahil sa pagligo nila ni Vangie kanina at nawala ng kaunti ang pagkalasing. “Alam ko na! Laro tayo ng truth or dare!” biglang sabi ni Aira. Gabi na at paubos na ang kanilang inumin. Kakaunti na rin ang kanilang handa at medyo nalalasing na rin ang

