Na sapo ni Vangie ang kanyang bibig nang makita niya si Bert. Nakatitig din ito sa kanya habang nangingilid ang mga luha. Ang laki ng pinagbago ni Bert. Humpak na ang pisngi nito at lumiit din ang braso. Na aalala niya ang suot nitong t-shirt, saktong-sakto lang iyon sa kay Bert noon. Ngayon ay para na itong ini-hanger sa luwag. Halata ring ilang araw na itong hindi nag-aahit dahil sa mahaba na ang balbas nito. Maging ang buhok nito ay nakatali na sa likod ng ulo. “B-Bert…” tawag niya rito. Ano’ng nangyari sa kanya? “Vangie…” Ngumiti si Bert kay Vangie. Inilang hakbang niya ang pagitan nilang dalawa. Akmang yayakapin niya nito ngunit iniharang ni Vangie ang kanyang mga kamay at umatras. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Vangie. Pinigilan niyang tumulo ang mga luha niy

