Three years later “Agh! I am so back!” masayang sabi ni Macy. Nasa lobby na sila ng airport sa Borongan. Napangiti si Vangie. Katabi niya ang anak niyang si Macy at sumasabay sila sa agos ng mga taong naglalakad papalabas ng airport. “Ang bigat na talaga ng baby ko,” ani Vangie at inayos ang pagkakakarga ng bunso niya, si Joseph. Magdadalawang taon na ito sa sunod na buwan. Nakababa na sila lahat-lahat ay masarap pa rin ang tulog nito sa kanyang bisig. Noong makarating siya sa Canada ay nalaman niyang dalawang buwan na pala siyang buntis. Noong una ay nagulat siya. Hindi niya inakala na mabubuntis pa siya sa edad niyang kwarenta y dos. Pinili na rin niyang h’wag nang sabihin pa kay Bert ang tungkol kay Joseph. Pero sa totoo lang, parang pinagbiyak na bunga si Bert at ang anak nil

