“Sandali, Vangie!” tawag ni Bert sa papalayong si Vangie. Hahabulin sana niya ito, ngunit pinigilan siya ni Lucia na nasa may pintuan ng kusina. “Ma!” “Ano’ng sabi ni Shane? Buntis siya?” Natigilan si Bert. Huminga siya ng malalim saka ipinikit ng mariin ang mga mata. Pagkatapos ay muling dumilat at umiling-iling. “Hindi ko alam sa kanya, ma.” Sinubukan niyang hilain ang kanyang braso ngunit mahigpit itong hinahawakan ni Lucia. “Ma! Kailangan kong sundan si Vangie!” natataranta nang sabi ni Bert. Hindi na kasi niya matanaw si Vangie. Nakalabas ng ito ng bahay. Deretso lamang ang tingin ni Lucia na nakatitig sa tiyan ni Shane. Mabibigat ang kanyang paghinga dahil sa kanyang narinig. Ang alam niya ay matagal nang nagkahiwalay ang dalawa. Muntik pa nga mapariwara ang nag-iisa niyang a

