Halos madurog ang puso ni Vangie nang marinig niya ang mga sinabi ni Shane. Hindi na niya kinaya pa ang emosyon na kanyang nararamdaman. Mabilis siyang lumabas ng bahay nila Bert. Dala ang kanyang bag ay naglakad siya papunta sa labasan at naghanap ng masasakyang trysikel. Hindi na niya pinansin pa kung basa na ang kanyang mukha dahil sa pag-iyak. Ang gusto lamang niya ay makalayo na sa lugar na iyon. Ang daming tanong na tumatakbo sa kanyang isipan. Paanong buntis si Shane? Bakit si Bert ang tatay? Akala niya ba ay matagal na silang hiwalay ni Shane? Ibig sabihin ba niyon ay niloloko siya ni Bert? Lalong napahagulhol si Vangie. Halos hindi na niya makita ang daan na tinatahak ng trysikel na kanyang sinasakyan. Piste naman, Vangie! Bakit ka ba umiiyak? pagalit na sabi ni Vangie sa kany

