“Ano’ng ginagawa niya rito?” nakakunot ang noo na tanong ni Bert sa kaibigang si Fernan. Nakaupo sila labas ng terrace ng bahay nito at nakaharap sa mahabang lamesa. Rinig na rinig nila mula sa kanilang pwesto ang malakas na tugtugin mula sa court ng barangay. Nagkibit ng Balikat si Fernan. “Hindi ko alam na pupunta siya rito,” tugon nito. Napailing-iling si Bert. Ayaw niyang pag-isipan siya ni Vangie. Tinungga niya ang alak na nasa kanyang baso at saka tumayo. “Oh, teka.” Hinawakan ni Fernan ang braso ni Bert. “Saan ka pupunta?” “Aalis na ako.” “Ha? Ito naman.” Tiningnan ni Fernan si Shane naglakad papasok sa loob ng bahay. Kasunod nito ang iba pa nilang mga kaklase noon. “Hayaan mo na ‘yon. Ako’ng bahala sa ‘yo!” Bumuntonghininga si Bert. “Ayoko ng gulo, Fernan. Alam mo naman

