Chapter 06–Hindi Pumayag
Beatrice Celestine
MABILIS akong umiling, habang nakatayo sa harap ng kwadra, tinitingnan ang malalaking kabayo. Nakasakay na ako sa kabayo, dahil sa mga paeksena ko sa pelikula pero ang sakyan ito na ako lang mag–isa hindi ko pa nagagawa.
"Hindi ako marunong, Darina," tanggi kong sabi, pero nakangiti lang siya sa akin, tila hindi iniinda ang pag–aalala ko.
"Huwag kang mag–alala. Hindi ikaw ang magpapatakbo sa kabayo," sagot niya, inabot ang braso ko at marahang hinila papasok. "May henete na magmamando. Ikaw, sakay ka lang, parang passenger sa kotse."
I took a deep breath. Gusto ko sanang tumanggi ulit, pero wala na rin naman akong choice.
Habang pinagmamasdan ko ang pag–aalaga ng mga tauhan sa kabayo, nakita kong nagmamadaling lumapit si Darina kay DN na abala sa paghaplos sa isang kabayo, tila alaga niya. Nag-usap sila.
Tahimik akong nakamasid mula sa gilid. Nakita ko ang pagkunot ng noo ng lalaki, ang pagtaas ng isang kilay niya, at ang pagkadis–gusto na tingin na ibinigay niya sa kapatid niya. Alam kong may tinutolan siya.
Ilang saglit lang, tumalikod na si Darina, halatang hindi na ito nagpumilit pa. Pero halata rin ang disappointment sa mukha niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko, ako ang dahilan ng pagtatalo nila. Nanatili lang akong tahimik, nilipat ko ang paningin kay Gina na masayang–masaya na kausap ang isang tauhan sa hacienda.
Maya–maya, nakita ko may nilapitan si Darina—isang lalaking halos kasingtangkad ni DN, gwapo rin at mukhang malapit sa pamilya nila. Nang lumingon ito sa akin, ngumiti siya bago naglakad palapit.
"Trice, this is Marky, our cousin," pakilala ni Darina. "Siya ang magsisilbing guide mo. Don't worry magaling na horse rider si Marky." She re—assured to me.
Tumango ako, pilit na ginagaya ang energy ni Darina. "Nice to meet you."
"Pleasure's mine," sagot naman ni Marky, bago itinuro ang kabayong sasakyan namin. "Dito ka, ako ang bahala sa'yo." He winked at naramdam kong okay naman si Marky. Pero sa gilid ng mga mata ko, nahagip ko ang pagtalim ng mga mata ni DN sa gesture siguro ni Marky.
Kahit kinakabahan pa rin ako, tumango ako at sumunod sa kanya. Inabot niya ang kamay ko para akayin ako paakyat sa saddle, at halos makakahinga na sana ako nang maluwag nang may magsalita.
"Trice, will ride with me."
I stilled. That voice. Dahan-dahan kaming lumingon, at nakita namin si DN, nagsasalubong ang kilay at nakatingin sa kamay kong hawak ni Marky.
Then , lumipat ang tingin niya sa mukha ni Marky. Walang emosyon sa mukha niya, pero ramdam ko ang utos sa boses niya.
Napatingin ako kay Darina. Parang nagulat din siya. Pero hindi siya nagsalita.
Si Marky, bagama't halatang naguguluhan, ay hindi na rin nagtanong pa. Tumango lang ito bago umatras nang bahagya.
And just like that, I lost my chance to get away from DN.
Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Kanina lang, ramdam ko ang pag—iwas niya sa akin. Pero ngayon, bigla niyang sinabing sa kanya ako sasakay? Bakit biglang nagpalit ang ihip ng hangin.
Hindi ko alam kung anong gusto niyang palabasin, pero isa lang ang sigurado ako—wala akong magagawa kundi sumunod.
Dahan–dahan akong lumapit sa kanya. He was already seated on the saddle, one hand lazily holding the reins. Mukhang relaxed siya, pero ako? Nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ang kamay niya para tulungan akong sumakay.
Mainit ang palad niya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit pakiramdam ko, unti—unti akong nauupos.
Nang tuluyan akong makaupo sa likod niya, halos hindi ako huminga. The scent of his cologne mixed with the crisp outdoor air—it was too much.
"Before we go," he suddenly spoke, his voice firm but emotionless, "I need to say something."
Napakagat—labi ako. "Ano 'yon?"
Hindi siya lumingon, dahan–dahan niyang pinakilos ang kabayo, pero ramdam kong pinakikiramdaman niya ako.
"May mga batang naghihintay sa ‘yo sa kapehan. Excited silang makilala ka," he said. "So, when we get there, be nice. Pakisamahan mo silang mabuti."
I blinked. That's it? Pero hindi pa siya tapos.
"And just to be clear, this doesn't mean we're okay."
Hindi na ako kumibo pa sa mga sinabi.
"I'm only here because of the people who requested it," he continued, his tone growing even colder. "Not for personal matters."
I felt my heart drop.
"I just thought it would be better if we get along—at least in front of them."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. He wasn't trying to be nice to me. He wasn't trying to fix whatever was broken between us. He was just doing this for show.
And I was nothing but a role to play. Kaya ako pinapunta rito para gamitin lang ang kasikatan ko, tapos kung anu–ano pa ang mga sinabi niya sa akin kanina.
Kahit mabigat ang dibdib ko, napilitan akong tumango. "I understand."
I wanted to hate him. Pero mas inuna ko ang pigilan ang sarili kong maiyak.
"DN, slow down—!"
Halos mapatili ako nang biglang pinatakbo ni DN nang mabilis ang kabayo. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Ang isang kamay ko ay nakakapit sa saddle, pero ramdam kong unti–unti na akong nadudulas sa likuran niya. Wala man lang itong pakialam kong mahulog man ako o hindi.
Wala akong choice.
Napapikit ako at mabilis na ipinalupot ang mga braso ko sa bewang niya, mahigpit na humawak para hindi mahulog.
Damn it. Parang nanadya.
Ramdam ko ang matigas niyang likod na dumidiin sa dibdib ko. Ang t***k ng puso ko? Nagwawala na. Hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil masyado akong aware sa kung gaano siya kalapit sa akin.
Hindi ako sigurado kung gusto rin ba ito ni DN ang pagkapit ko a kanya. Pero wala akong pakialam. Kaysa mahulog ako at mabalian ng buto, mas pipiliin ko nang kumapit sa kanya.
Mas lalo pa niyang nilakasan ang pagpalo ng paa ng kabayo sa lupa, dahilan para humigpit lalo ang yakap ko. Ang takot na kanina lang ay nangingibabaw sa akin? Unti–unting nawawala.
Parang sa isang iglap, hindi na ako natatakot mahulog.
Dumaan kami sa makikitid na daan, sa mga damuhang sumasayad sa mga binti ko. Sa mga naglalakihang puno sa paligid. Hanggang sa di kalayuan may isang maliit na sitio.
Nakita ko ang mga bahay—maliit, gawa sa kahoy, pero punong–puno ng buhay ang naturang sitio. May ilang matatandang nakatambay sa ilalim ng puno, may mga batang naglalaro, at nang mapansin nila kaming paparating, unti–unting nagsilabasan ang mga tao mula sa kanilang tahanan.
Nakita ko sa mukha nila ang gulat na makita ako. Nasa mukha nila na hindi makapaniwala.
Dahan—dahan nang bumagal ang takbo namin. Kumunot ang noo ko at nagtanong sa binata. "DN, ito na ba ang kapehan?"
"No," sagot niya agad. "Pero dadaan muna tayo rito."
Dumaan? Bakit?
Gusto kong magtanong epro hindi ko na itinuloy, tumigil na ang kabayo. Mabilis na bumaba si DN at walang lingon–likod na iniabot ang kamay niya sa akin.
"Come on," he said, his voice firm.
Wala akong nagawa kundi abutin iyon, ang kamay niya at bumaba sa kabayo. Mainit at matibay ang kamay niya. Kasing–tibay ng sakit na sinusubukan kong itago.
Saktong makababa ako, isang matandang lalaki ang biglang lumapit sa amin.
"DN! Salamat sa Diyos, nakarating ka agad!"
Alam kong kilalang–kilala niya si DN dahil sa paraan ng pagtawag niya rito—hindi lang basta pangalan. May halong pag–asa, may halong pangangailangan.
"Anong nangyari?" tanong ni DN, diretso, walang pag–aalinlangan.
"Si Manang Clara mo... Manganganak na! Hindi na aabot sa hospita."
Napasinghap ako.
Hindi ko alam kung paano, pero sa isang iglap lang, nawala ang kahit anong pagdadalawang–isip sa mukha ni DN.
Walang tanong–tanong at walang inaksayang segundo.
"Nasaan siya?"
"Dito, dito! Halika!"
At agad niyang sinundan ang matanda, hindi na ako binigyan ng pagkakataong magsalita.
Napaatras ako, bahagyang naguguluhan. DN is a cardiologist. Hindi ba't puso ang specialty niya? Pwede ba siyang magpaanak? Siguro, kung emergency na tulad nito.
Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng pag–aalinlangan, naramdaman kong may mga matang nakatitig sa akin.
Ang mga tao. At ang mga bata.
Sila ang unang naglakad papalapit. Sa murang edad nila, kita ko ang tuwa sa mga mata nila habang nakatitig sa akin, parang hindi makapaniwala. Parang isang panaginip ang presensya ko rito.
At habang si DN ay mabilis na papasok sa kubo kung saan naririnig ko ang malakas na hiyaw ng isang babae na umeere.
Ako ay naiwan lang sa labas, kasama ang mga matang ngayon lang ako nasilayan.Naghintay na lang ako dito sa labas. Maya–maya, naramdaman kong may humila sa laylayan ng damit ko.
"Diba, ikaw 'yong artista na si Trice, laro tayo!"
Napatingin ako sa isang batang babae na may malalaking mata. Sa likod niya, may lima pang bata, pawang mga nakangiti sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko.
At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, I smiled back.
"Yes ako nga, sige laro tayo."
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming naghabulan. Kung ilang beses akong napaupo sa damuhan kakatawa habang hinahabol ako ng mga musmos na kamay. Hindi ko namalayan na ang bigat sa dibdib ko ay unti–unting gumaan habang pinapanood ang matatamis na ngiti ng mga batang naririto. Hindi ko namalayan kung ilang sandali ang lumipas.
Hanggang sa... May narinig kaming iyak.
Napahinto ako. Kasunod ko, ang mga bata rin ay napatigil sa paglalaro. Napatakip ng bibig ang ilan, habang ang iba naman ay napatingin sa direksyon ng kubo.
Iyak ng sanggol.
Parang may kung anong tumulak sa akin na lumakad papunta roon. Hindi ko napansin kung sinundan ako ng mga bata, hindi ko rin alam kung ano ang hitsura ko habang papasok ako sa kubo. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang tunog na iyon—ang malakas, na hiyaw ng bagong buháy, at napakalinaw na iyak ng isang bagong silang na sanggol.
At nang tuluyan akong pumasok sa kubo, bumungad sa akin ang isang eksenang hinding–hindi ko makakalimutan.
Sa gitna ng silid, nakahiga ang isang may edad nang babae sa banig, nasa dibdib niya ang maliit na nilalang. Mukha na siyang nasa late fifties. Hindi ko maunawaan kung paano pa siya nagdalang–tao sa edad na iyon, kung paano niya nakayanan ang sakit ng panganganak, pero heto siya ngayon—mukhang pagod, pero punung–puno ng saya habang pinagmamasdan ang munting buhay sa kanyang dibdib.
Hindi ko namalayan na napahawak rin ako sa dibdib ko. Nakita ko DN.
Basang–basa ng pawis ang noo niya, ang damit niyang puti ay may bahid na ng dugo, pero sa kabila ng lahat ng iyon, nakangiti siya. Ngiting totoo.
Ngiting bihira ko lang makita sa kanya.
At nang lumingon siya sa akin, saglit lang—pero may kung anong tumama sa puso ko.
Mahina lang ang pagngiti niya. Pero sapat na para may kung anong bumara sa lalamunan ko.
DN, how...?
Ilang beses na ba akong nasaktan dahil sa mga salita niya? Ilang beses na ba akong nagkunwaring okay lang? Ilang beses ko nang sinubukan burahin siya sa sistema ko?
Pero heto lang, isang tingin.
At parang gusto ko na namang saktan muli ang sarili ko.
PAGLABAS ko ng kubo, ramdam ko agad ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.
Kailangan ko lang maghintay dito sa labas. Kapag tapos na si DN, aalis na kami.
Pero nagkamali ako.
"Dito na kayo magpalipas ng gabi, dok. Dumidilim na rin at delikado nang umalis pa kayo."
Napalingon ako sa matandang kinausap ni DN. Hindi siya nagdalawang–isip na tumango, wala man lang pagtutol.
Parang kinabahan akong buong magdamag ko siyang makasama dito.
"May kubo kaming inihanda para sa'yo, dok dagdag ng matanda kay DN. "Pinagawa namin noon... kung sakaling dalawin mo kami ulit."
Ibig sabihin, pabalik-balik na si DN dito. May lugar siya rito, siguro ganoon siya kamahal ng mga tao rito.
Naputol ang iniisip ko nang maramdaman ko ang mahinang paghila sa damit ko. Ang isang batang babae kanina na malaki ang mga mata niya.
"Ang ganda mo po! Para kayong diwata!"
Maya–maya, mas marami pang sumali sa usapan. Mga matatandang tila ngayon lang ako nakakita. Mga dalagang nahihiyang lumapit pero hindi maitago ang pagkamangha.
"Ang puti niya!"
"Totoo bang nasa TV ka?"
"Ate, ang ganda mo po talaga!"
Napangiti ako, at masaya akong makilala sila. Dahan–dahan akong napalingon. Nakita k si DN. Nakatingin sa akin mula sa malayo.
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagkatitigan. O kung ako lang ang nakakaramdam ng bigat sa pagitan namin. Pero sa isang iglap, bumawi siya ng tingin. Tinalikuran niya ako na para bang wala lang. Pinakawalan ko ang isang mahinang hinga.
Dumaan ang oras nang hindi ko namamalayan. Dumilim ang paligid, nagsimula nang maghapunan ang lahat. Napilitan akong umupo sa tabi ni DN, pilit na itinatago ang awkwardness.
"Mabait si Dean sa kanila," biglang sabi ng isang matandang babae sa kabilang tabi ko, mahina lang ang boses. "Madalas siyang bumalik dito para magbigay ng libreng check up at gamot sa amin."
Mahina akong napangiti. Diba, iyon naman ang advocacy niya ang tumulong sa mga mahihirap.
Nang matapos ang hapunan, may naglabas ng alak. Inuman bilang pasasalamat nila kay DN. Tahimik lang siyang tumatango, pero hindi tumatanggi.
"Bukas ng umaga, aalis tayo," bulong ni DN sa akin, saka tumayo sa kinauupoan.
Tumango lang ako.
Kinailangan kong ipaalala sa sarili ko—hindi ako nandito para kay DN. Hindi ako nandito para muling magpaapekto. Nandito ako para kay Ate Bea.
I'm so tired for the whole day. Ramdam ko na sa buong katawan ko ang pagod sa buong mag-araw—sa dami ng nangyari, sa dami ng emosyon na pilit kong itinago.
Kaya nagpaalam na ako na magpapahinga na. Isang babae ang naghatid sa akin sa isang maliit na kubo sa dulo ng sitio. Habang naglalakad kami sa madilim na daan, ang tanging ilaw lang ay ang buwan at ilang gasera mula sa mga bahay. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga kuliglig at mahihinang tawanan mula sa malayo ang naririnig ko.
Pagbukas ng pinto, agad akong sinalubong ng mahina at mainit na liwanag mula sa lamparang nakapatong sa isang maliit na mesa. Walang kuryente rito.
Napalinga ako sa loob. Maayos naman at malinis. May maliit na kama sa gitna ng silid, halatang bagong ayos—malinis ang bed sheet, at may faint scent ng sabon at amoy surf fabric conditioner.
"Dito ka na matutulog, Ate," sabi ng babaeng naghatid sa akin, bago marahang isinara ang pinto. Hindi na ako nakapagpasalamat dahil umalis na ito.
Napabuntong–hininga ako, pilit kinakalma ang sarili. Dito ako matutulog ngayong gabi. Malayo sa lahat ng nakasanayan ko.
Napaupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko mula sa bag.
Dapat i–record ko ito.
May plano akong mag–vlogging, kahit hindi ko alam kung kailan ko pa ito maipopost. Ang alam ko lang, gusto kong may mapanood ako balang araw—pruweba na nangyari ito sa akin, na napadpad talaga ako sa isang sitio sa gitna ng kung saan.
"Hey, guys....Good night."
Napahikab ako bago ko nilapag ang cellphone sa maliit na mesa. Siniguro kong kitang-kita ako sa video.
Humiga ako at hinayaang lamunin ako ng antok. Napakatahimik ng gabi rito.
Wala ni isang tunog ng sasakyan. Walang ilaw ng syudad. Wala ang ingay na kinasanayan ko. Pero kahit ganito katahimik...naririnig ko pa rin siya.
Mula sa labas, mahihinang boses ng mga nag–iinuman ang naririnig ko. At isa sa mga iyon, hindi ko kailangang alamin pa kung sino ang nagmamay-ari—boses ni DN.
Napapikit ako, pinipilit bingiin ang sarili. Pero kahit anong gawin ko, dinig ko pa rin siya. At hindi ko alam kung bakit may kirot sa dibdib ko tuwing naririnig ko ang tawa niya.
Dahan–dahan akong nilamon ng antok. At sa pagitan ng malalim at mababaw na pag–idlip....
May naramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko si DN. Namumungay ang mga mata, namumula ang pisnging nakatunghay sa akin.