Chapter 25 Beatrice Celestine "BITAWAN mo ang asawa mo, DN," utos ni Tito Daniel sa kanyang anak. "No, problem, dad," sagot niya na walang remorse sa kanyang tinig, pero bago pa niya ako pinakawalan muling lumapat ang labi niya sa akin. Hindi na iyon katulad kanina. Wala na ang puwersa. Wala na rin ang galit. This time, his mouth moved with such sensual mastery that it made my knees weak. Parang biglang may lumusong na init sa dibdib ko, pababa sa sikmura. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito ang epekto niya sa akin? I wanted to hate him, pero habang sinusuyo ng mga labi niya ang akin, I could feel myself melting. Buti na lang talaga at nariyan ang ama niya. Kung wala ito, baka hindi ko na kinayang lumaban pa. Baka nagpatangay na lang ako sa halik ng asawa kong hindi ko

