Chapter 96 Beatrice Ceslestine NASA tabi lang ako ng puno, nakabalot ng makapal na kumot. Nakaupo. Tulala. Hindi ako gumagalaw. Parag wala akong marinig at walang nakikita. Kahit pa may mga naglalakad–lakad, nagsisigawan, may mga flashlights, at may chopper na umiikot–ikot sa himpapawid—wala. Parang wala lang sa akin. Parang lumulutang lang ako sa ere. "Ma'am, kami na po ang bahala rito. Magpahinga na po kayo," may nagsalita sa tabi ko pero hindi ko siya tiningnan. Nakatingin lang ako sa kawalan. Wala na akong ibang nasa isip kundi siya. Ang asawa ko. Ilang oras na ang lumipas pero hanggang ngayon... wala pa rin. Tumila na ang ulan at malapit ng magbukang liwaway. Hindi pa rin siya makita. May mga sumisid sa dagat, may tumingin sa mga bato at mga bitak sa gilid ng bangin. Pero wala

