Chapter 97 Third Person POV TWO days later. Tahimik ang buong paligid. Ang dagat, kalmado. Walang malakas na alon, walang malakas na ihip ng hangin. Parang walang nangyari. Parang walang kinuha ang dagat. Nakatayo si Beatrice sa gilid ng bangin. Sa mismong lugar kung saan nahulog si DN. Dalawang araw na ang lumipas, pero ni anino niya, walang makapagsabi kung nasaan. Ang bangkay na nakuha mula sa tubig...it's not her husband It was the man who tried to kill them. May sugat ito sa dibdib—malalim, diretso sa puso. A stab wound. Ang sabi ng mga authorities, posibleng may nangyaring pagtatalo sa ilalim ng dagat. May nagsabi pa na baka parehong may hawak na jungle knife. Na posibleng ipinagtanggol ni DN ang sarili, o isa lang may hawak at pinag–agawan. Pero nasaan na siya? Bakit siya

