Chapter 03
Third POV
"AND THE BEST ACTRESS IS..."
Sandaling tumigil si Paolo Keufman at binuksan ang hawak na sobre. Pagkatapos ay tumingin siya sa audience—sa mga artistang nakaupo, sa mga bisitang naghihintay, may kaba sa kanilang dibdib, at umaasam ng pag–asa.
Ngunit si Beatrice Celestine Madrigal?
Hindi niya ramdam ang kaba. Ang totoo, hindi niya ramdam ang excitement na dapat ay naroon sa kanya. Dahil ang isip niya, wala sa awards night.
Kundi nasa isang lalaki. Kay Dmitri Nikolai Hayes.
One week ago....
Lumipas ang isang linggo mula nang unang tinanggihan ni DN ang kasal na inialok ng kanyang Lolo. Sa kabila ng matigas na pagtanggi nito, hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa dalaga. Palagi pa rin itong bumibisita sa kanyang Lolo, para gawin ang trabaho niya bilang doktor, at sa tuwing nasa mansiyon ito, nagagawa nilang mag–usap nang normal.
Wala ni katiting na awkwardness kay DN. Kung meron man, siguro siya lang ang nakakaramdam 'nun.
Isang linggo itong nanatili sa Maynila dahil sa seminar nito kaya madalas niya itong kasama, sila ng Lolo niya. Pakiramdam nga niya hulog na hulog na siya rito.
Tatlong beses na silang nakitang magkasama sa kung saan–saan—minsan sa coffee shop, pero mas madalas sa garden ng mansiyon habang kausap si Lolo habang pinag–uusapan ang kalusugan nito, at minsan sa isang restaurant kung saan sila may inorder lang. At nakunan ng mga camera's kaya nagviral sa social media at talagang pinag–uusapan hanggang ngayon. Maraming tanong, if boyfriend ba niya ang binata? Pero no say siya sa isyu. Para sa ibang tao, mukhang may relasyon sila.
Dahil sa totoo lang, gentleman naman si DN. He was naturally charming—laging nauunang magbukas ng pinto para sa kanya, tila walang problema sa pagtrato sa kanya na parang isang prinsesa.
Pero para kay DN, wala itong ibig sabihin.
"Alam mo, bukod sa pagiging magkaibigan natin, para na kitang nakakabatang kapatid," minsang nasabi nito sa kanya. "May kapatid kasi akong babae, at fan na fan mo siya."
Para sa lalaki, normal lang iyon. Walang big deal.
Pero para kay Trice? Big deal ang salitang "nakakabatang kapatid". Para na rin sinabi nitong, wala talaga silang chance na maging lovers. Parang sinelyuhan na ni DN na wala siyang kahit anong pagtingin sa kanya—ni konting interest bilang babae.
At sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung paano siya magre–react. Hindi naman niya pwedeng pilitin si DN na may mas hihigit pa sa pagkakaibigan. Hindi rin niya masisisi si DN.
Kung iyon ang turing nito sa kanya, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang pinaparamdam sa kanya.
Present – Awards Night
She took a calming breath at inilibing sa isipan ang mga bagay na gumugulo sa kanya. Hindi ito ang oras para isipin si DN. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang gabi ng parangal.
Tonight, the Best Actress for TV would be announced.
Sa loob ng ilang segundo, maririnig na nila ang pangalan ng nagwagi. Ngunit habang nakaupo siya sa upuan niya, hindi niya maalis ang isip kay DN, tanging sa binata lang lumilipad ang isip niya.
Sanay siyang may iba't ibang kapares sa mga Teleserye or even sa mga movies. Pero kapag si DN ang kasama niya, iba ang saya.
May kung anong espesyal na naramdaman siya, kahit pa alam niyang sa panig ni DN, wala iyong ibig sabihin. Biglang bumalik ang atensyon niya sa stage nang marinig ang sigaw ng host.
"And the Best Actress is.... Beatrice Madrigal for Huling Sandali!"
Kasabay ng pagbigkas ng host sa pangalan niya ay ang malakas na palakpakan ang bumalot sa buong hall. Nakakabinging palakpakan na nagpapatunay na nagagalak sila sa pagkapanalo ni Beatrice.
Ngunit tila hindi niya narinig iyon. Hindi niya agad namalayan.
Kung hindi pa siya siniko ng kanyang bestfriend na si Gina, baka hindi niya nalaman na siya pala ang nanalo.
"Hoy, nakikinig ka ba? Tumayo ka na!" bulong ng kaibigan, ngunit may halong excitement ang tinig nito.
Doon lang siya natauhan.
Dahan–dahan siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Lalong nagpatingkad sa kanyang ang kaputian ang pulang gown. Ang mahabang itim niyang buhok ay malayang nakalugay. Simpleng makeup lang ang ginamit niya ngayong gabi—walang matitingkad na kulay, walang sobrang kinang. Pero kahit ganoon, hindi maikakailang lumulutang ang kanyang ganda.
Habang naglalakad siya papunta sa entablado, lahat ng mata ay nasa kanya. Ang ibang kababaihan sa audience ay hindi maikubli ang inggit—hindi lamang dahil sa taglay niyang kagandahan kundi dahil sa talento niyang hinangaan ng marami. Hindi siya isa sa mga artistang basta lang sumikat dahil sa itsura. Napaghirapan niya ang tagumpay na ito. Pinagbutihan niya. Ibinuhos niya ang lahat sa kanyang pag–arte, sa kabila ng pagiging mayaman niya.
Ang mga lalaki naman, lalo na ang mga nasa industriya, ay walang ibang tingin kundi paghanga. Dahil si Beatrice Madrigal ay hindi lang isang magaling na aktres.
Isa rin siyang modelo—isa sa pinaka–in–demand sa clothing at underwear brands. Isa siya sa mga pinakasikat at pinaka–ginagalang na artista ngayon. Pero sa kabila ng kasikatan, nanatili siyang mapagkumbaba, mabait, at matulungin sa kapwa.
Nang marating niya ang entablado, sinalubong siya ni Paolo, ang kanyang leading man sa teleseryeng nagpanalo sa kanya. Matangkad, guwapo, at sikat—isang matinee idol na hinahangaan ng marami. Pero sa kanya, si Paolo ay isang tunay na kaibigan niya sa showbiz.
Isa itong mabuting tao. Isang lalaking laging nariyan para sa kanya, lalo na sa panahong kailangan niya ng kaibigan. Matagal na itong nanliligaw sa kanya, ngunit palagi niya itong tinatanggihan. Lagi niyang sinasabing hindi pa siya handa.
Ngunit kahit ganoon, hindi siya iniwan ni Paolo.
Kaya nang magtagpo ang kanilang mga mata, isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya rito bago ito ginawaran ng halik sa pisngi. Matamis ang ngiti ng binata nang iabot sa kanya ang tropeo.
Huminga siya nang malalim bago hinarap ang mikropono.
"This award is for Dr. Dmitri Nikolai Hayes. I hope you are watching right now." Sa sandaling iyon, kahit sa harap ng napakaraming tao, hindi niya alam kung bakit iyon ang namutawi sa bibig niya. Nagpatuloy pa rin siyang magsalita sa kabila ng pagkagulantang ng lahat.
"Doc, DN, maraming salamat sa pagiging Doktor ni Lolo at sa inspirasyon. Hindi mo lang alam kung paano mo ako naimpluwensyahan sa ibang paraan. Hindi mo siguro ito alam, pero sa loob ng isang linggo na magkasama tayo, ang dami mong itinuro sa akin. Hindi tungkol sa pag–arte, hindi tungkol sa showbiz—pero tungkol sa buhay."
"Hindi ko alam kung pinapanood mo ako ngayon, pero kung sakali, gusto kong malaman mo na mahalaga ka sa akin. Kahit hindi mo iyon makita, kahit hindi mo iyon maramdaman."
Saglit siyang natigilan. Hindi niya alam, kung bakit siya lumuha. Mabilis niyang pinahid ang luhang namuo sa gilid ng kanyang mga mata bago muling ngumiti.
Bakas sa kanyang mukha ang lungkot na pilit niyang tinatago.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang pasasalamat—sa kanyang pamilya, sa kanyang mga kapatid, sa kanyang Lolo at Lola na walang sawang sumuporta sa kanya. Sa kanyang manager, sa kanyang mga kaibigan, sa lahat ng naging bahagi ng kanyang tagumpay. Sabay taas itinaas ang natanggap na parangal.
Kahit gaano pa kalakas ang palakpakan ng mga audience. Ang isip niya ay naroon pa rin—sa isang lalaki na hindi man lang alam kung gaano siya naapektuhan nito.
PAGKATAPOS nang awarding, hindi na siya nakatanggi nang yayain siya ng mga kapwa niyang artista at kaibigan na magdiwang. Halos lahat ng naroon ay may bitbit na tropeo—mga kapwa niya nanalo, mga kasamang nominado, at mga kaibigan sa industriya na gusto lang makisaya sa tagumpay nilang lahat.
Siniko niya si Gina na siyang atat na atat lumabas. Kahit sikat siyang artista hindi rin siya mahilig pumarty. "Isang oras lang, Gina," sabi niya sa matalik na kaibigan habang papasok sila sa sasakyan.
Nagtaas ng isang kamay si Gina at nag–swear. "Promise!" sagot ni Gina? pero halata sa mukha nito ang kasabikan.
Alam niyang hindi lang dahil sa kasayahan kaya pumayag si Gina na samahan siya. Mas lalo kasi itong ginanahan nang malamang kasama rin si Paolo sa paglabas nila. Hindi naman lingid sa kanya na may lihim na paghanga ang best friend niya sa binatang actor. At ngayong magkakaroon ito ng pagkakataong makalapit dito, siguradong susulitin nito ang bawat sandali. Si Gina pa, na sobrang kapal ang mukha.
Dinala sila ng kanilang mga kasama sa isang high–end bar sa Makati—isang lugar na hindi basta pinupuntahan ng kung sino lang. Mamahalin, pang–sosyal, at eksklusibo. Pagkarating nila, agad silang ineskortan papunta sa VIP room.
Pero bago pa man sila makapasok, may naunang napansin si Gina.
"Si Dok?" bulalas nito? agad na tinatawag ang pangalan ng binata. "Doc.Hayes!"
Napatigil si Trice. Napatingin siya sa direksyong tinutukoy ni Gina, at doon nga niya nakita si DN.
Nakaupo ito sa may bar counter, bahagyang nakayuko habang may hawak na baso. Kasama ito ng ilan pang lalaki na mukhang pawang mga doktor din siguro, base sa kanilang hitsura at porma. Hindi niya inasahan na matatagpuan niya ito rito.
NANG marinig ang kanyang pangalan, bahagyang napalingon si DN sa tumatawag sa kanya pero hindi niya gusto ang nakita. Sandali lang silang nagtagpo ng paningin ni Trice. Pero agad din itong umiwas, parang walang nakita.
Iyon naman ang pinagtaka ni Trice. Bakit parang iniiwasan siya ni DN? Hindi na siya nagdalawang–isip. Habang abala pa si Gina sa pakikipagkulitan kay Paolo at sa iba pa nilang kasama, agad siyang kumilos. Iniwan niya ang grupo at sinundan ang binata.
Mabilis ang mga hakbang niya, ngunit hindi siya nagpapahalata. Alam niyang naramdaman ni DN na papalapit siya, biglang tumayo mula sa kinauupoan at naglakad papalayo.
Pero hindi siya papayag na basta na lang siyang iwasan nito. Baka may dahilan kung bakit ito umiiwas.
At gusto niyang malaman kung ano iyon. Tinawag niya si DN, umaasang mapapalingon ang binata sa kanya. Bahagyang huminto ang binata, hindi dahil sa kanya, kundi dahil bumulong ang lalaking kasama nito. Ilang sandali lang, umiling si DN at walang pasabing nagpatuloy sa paglalakad.
"DN, wait!"
Hinabol niya ito, halos tumatakbo na siya sa pagmamadali maabutan lang ang lalaki. Hindi niya alintana kung may nakatingin o kung may makarinig sa kanila. Wala siyang pakialam. Kailangan niyang kausapin si DN. Kailangan niyang malaman kung bakit bigla na lang siya nito iniiwasan. Okay naman sila 'nung huli silang nagusap.
Nakarating sila sa parking lot. At bago pa tuluyang makalayo si DN, mabilis niyang hinawakan ang braso ng binata.
Ngunit sa halip na huminto, iwinaksi nito ang braso mula sa kanya, tila ba nahihiyang mahawakan siya.
"Anong kailangan mo?" malamig ang boses nito, halatang naiinis.
Bahagyang natigilan si Trice. Hindi niya inasahan ang ganitong pagtrato mula kay DN pero benalewala niya lang.
"Napanood mo ba?"
"Ang alin?" sagot ng binata, hindi man lang nagpakita ng interes.
"Ang awards night. I won Best Actress." Mahina siyang ngumiti, pilit na nagpapakita ng kasiyahan kahit ramdam niya ang kawalang interes ni DN. "Kaya nandito kami ng mga kaibigan ko para mag—celebrate. If you want, you can join us? Ipapakilala kita sa kanila," yaya niya, umaasang papayag ito.
Dahan–dahang humarap sa kanya si DN. Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib, tinitigan siya ng diretso, puno ng kawalang interes at inis ang mga mata.
"Kahit kailan, hindi ko naisip na makihalubilo sa mga kagaya mo," masungit na sagot nito. "Doktor ako, Trice. At ang tingin ko sa mga artista? Cheap. Baduy. Walang class at higit sa lahat puro kaplastikan lang ang alam ninyo. Diba, normal na sa inyo ang ganyan?" may sarkasmo sa tinig ni DN.
Parang sinampal siya sa mukha sa narinig mula sa lalaki. Hindi siya makapaniwala na kaya itong sabihin ni DN.
"DN..." mahina niyang sambit.
"Hindi ko maintindihan kung bakit nag–artista ka. Oo, mayaman ka. Pero bakit mo pinili ang mundong puno ng kaplastikan? Puro kasinungalingan at palabas lang." Umiling ito, tila ba dismayado. "At isa pa..." pinagtaasan niya ng kilay si Trice. "Stop dragging my name in your speech. Dammit!"
Napakurap si Trice. "Anong—?"
"And please, stop daydreaming about me." Diretsong tinapunan niya ng malamig na tingin si Trice. "Mula sa simula, malinaw na sa ating dalawa ang lahat. Hindi mo kailangang ipagsigawan na para sa akin ang award mo. I don't care about your award."
"DN, hindi ko naman sinasadya na—"
"You're not even thinking kung ano ang sasabihin ng mga tao." Napailing ito. "Hanggang ngayon, hindi mo pa sinasagot ang isyu tungkol sa atin. At ngayon, dadagdagan mo pa sa pag–anunsyo ng pangalan ko sa speech mo? You have no brain, don’t you?" Asik niya sa dalaga. Totoo, niyan kanina pa inis na inis si DN sa kanya, napanood niya sa live sa f*******: ang awarding na pinakita rin ng kasamahan niya. Talagang nagulat siya doon.
Parang tinadyakan ang dibdib niya sa sakit.
"May girlfriend ako." Mas bumigat ang tono ng boses nito. "Ayokong masira kami dahil lamang sa mga ginagawa mo."
Napayuko si Trice, ni hindi alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Tanging mahing pagtango ang sinagot niya sa binata. Pero kailangan niyang ipagtanggol ni Trice ang sarili niya sa mga akusa ni DN.
"Ano ba ang ayaw mo sa akin?" mahina niyang tanong, bahagyang nanginginig ang boses. "Maganda naman ako... mabait pa."
May kung anong dumaan sa mga mata ni DN—galit, pandidiri, at magkahalong emosyon na hindi maipaliwanag ni Trice.
"I know you are pretty at hindi mapagkakaila iyon. Pero hindi lang naman sa magandang mukha o kasikatan umiikot ang mundo, Trice. At higit sa lahat, ayoko ng cheap na kagaya mo." Pamimintas ni DN sa kanya.
Tila tumigil sandali sa pagikot ang mundo ni Trice. Naninikip ang dibdib niya sa sakit ng mga sinabi nito. Mula ulo hanggang paa, pakiramdam niya parang tinanggalan siya ng dignidad sa isang iglap. Parang sinampal siya ng realidad sa pinaka–malupit na paraan.
Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya magawang lumaban o itanggi ang sinabi nito. Sa halip, tahimik lang siyang tumango, pilit na nilulunok ang sakit na bumalot sa kanyang dibdib.
"Sorry..." halos pabulong niyang sabi.
Ngunit tila hindi pa iyon sapat para kay DN.
"Puro ka na lang sorry.” Umiling ito. "Kung gusto mong manatili akong doktor ng lolo mo, tigilan mo na ang pagdadamay sa pangalan ko. Linisin mo ang pangalan ko sa isyu. Nasasaktan ang girlfriend ko dahil sa'yo." Inis na inis na sabi ni DN sa kanya.
Mariin siyang napakagat labi, pilit pinipigilan ang pag–iyak.
"Tigilan mo ang ilusyon mo, Trice, na one day mapapasagot mo ako. I will tell you this, now, It will never happen. Naging prangka na ako sa'yo. H'wag na tayong paulit–ulit pa," sabi nito kay Trice at walang sabing, tinalikuran niya ang dalaga at tuluyang lumayo.
Hindi na ito hinabol ni Trice, hinayaan niyang sumakay sa kanyang sasakyan ang binata.