Chapter 04
Beatrice Celestine
"TITA Pretty, wake up! You are sleeping like Sleeping Beauty!"
Napangiti ako bago ko pa imulat ang mga mata. Kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa ko, kilalang–kilala ko ang matinis na boses na 'yon—ang pamangkin kong si Aziya.
Unti–unti kong ibinuka ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ng batang parang buhay na manika. Nakanguso siya, halatang naiinip na sa kakagising sa akin. Napansin kong hindi lang siya ang nasa loob ng kwarto ko. Sa tabi niya, nakatayo ang Ate Bea ko, nakapamewang ang kamay habang nakatitig sa akin.
"Alas—nuwebe na. Gising na sleeping beauty?" biro ni Ate.
Napabalikwas ako ng bangon, sabay dampi–dampi ng kamay sa mukha ko. Pakiramdam ko ang gulo–gulo ng hitsura ko—magulo ang buhok ko at siguradong may bakas pa ng antok sa mukha ko. Kagabi lang, natapos ang huling taping ko para sa isang pelikula. Alas–dos na kami nakauwi.
Pero kahit pagod ako, nawala lahat ng pagod ko nang makita ang pamangkin kong nakangiti. Ang ganda niya talaga, parang doll—maputi, mahahaba ang pilikmata, at may biloy sa pisngi. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit bago mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ko.
Napailing na lang ako. Ang kulit ng batang 'yon.
Naiwan akong nakatitig kay Ate Bea na nakaupo na ngayon sa gilid ng kama ko. Tumitig siya sa akin, and she took a deep breath. "So, kumusta naman ang buhay–artista?"
Napangiti ako. Sanay na ako sa mga tanong niyang ganyan. Alam kong gusto niyang makarinig na umaayaw na ako, pero ang totoo? Masaya ako. Kahit pagod, kahit minsan wala nang oras para sa sarili, worth it lahat.
"Fulfilling," sagot ko sa kanya. "Happy, but at the same time nakakapagod din."
Umirap si Ate. "O siya, bumangon ka na riyan. May sasabihin ako sa'yo." May diin ang huling mga salita niya. "I really need you this time. Minsan lang ako humingi ng pabor."
Napatingin ako sa kanya, sabay tango. Alam ko na ito. Kapag biglang dumarating si Ate rito sa mansiyon, siguradong may kailangan.
Biglang tumunog ang cellphone ko. May nag–message sa messenger. Agad kong kinuha ang phone at tinitigan ang notification. Manager ko.
"Reminder lang, Trice. May interview ka mamaya."
I took a deep sighed. Halos nakalimutan ko na 'yon.
Biglang bumalik sa isip ko ang huling encounter namin ni DN. Dalawang araw na ang nakakalipas, pero malinaw pa rin sa akin ang galit niya—ang bawat salitang binitiwan niya laban sa akin.
Kahapon din, he send me message.
"Linawin mo sa lahat na wala tayong relasyon. Hindi ako kasali sa mga drama mo."
Napakagat–labi ako. Malinaw ang gusto niyang mangyari. Hindi ko rin naman intensyon na pahabain pa ang isyu. Bago ako aalis at magbakasyon sa Bangkok, lilinawin ko ang lahat sa interview ko mamaya.
Para matapos na. Para wala nang problema.
AFTER kong maligo at mag–ayos, bumaba na ako papunta sa dining area. Nabungaran ko sina Ate Bea at si Lolo Franco, mukhang seryoso ang kanilang pinag–uusapan nila.
Tahimik akong naupo at kinuha ang baso ng gatas sa harapan ko. Napansin kong medyo nakakunot ang noo ni Ate habang kausap si Lolo.
"Kailangan nating makahanap ng mamamahala sa plinaplano mong hospital, grandpa," sabi ni Ate, halatang nag–aalala. "Ayaw ni DN, at hindi rin pwede si Azreal. Sobrang busy siya sa Health Care company niya at sa pamilya niya."
Napansin kong biglang tumingin sa akin si Ate. Napatigil ako sa pag–inom ng gatas.
"Trice, may pabor sana akong hihingin," panimula niya, sabay subo ng pagkain. Sa pool area naririnig ko ang tinig ni Aziya, kalaro ang Lola Penelope. Alam kong hindi ito tungkol sa ospital ang sasabihin niya dahil wala naman akong alam sa mga ganoong bagay.
"Ano 'yon?" tanong ko, medyo kinakabahan, kilala ko kasi ito.
"Magkakaroon kami ng malawakang medical mission sa Quezon. Isa ito sa mga proyekto ng association naming mga doktor. Ang goal namin ay palawakin ang health care lalo na sa mga lugar na hindi masyadong napupuntahan ng medical services."
Napakunot ang noo ko. "Okay...so, anong konek ko doon?"
Napangiti si Ate, halatang may gusto siyang hilingin. "Request ka ng mga tao, little sissy. Nung nalaman nilang kapatid kita, gusto ka nilang makita. So please, kahit isang araw lang, pumunta ka sa opening program. Hindi mo kailangang magtagal—pasayahin mo lang sila." Pakiusap ni Ate na may pangingislap ng mga mat.
Napatigil ako. Ako? Pupunta sa isang medical mission? Balak kong mag Thailand, bukas mismo.
"Ate naman—"
"Please, Bunso." Bumuntong–hininga siya. "Isang araw lang, swear! Kahit mga bata lang aliwin mo, tapos tapos na." She begged.
Bago pa ako makasagot, nagsalita si Lolo. "Maganda ang proyekto nila, apo. At saka ito rin 'yung medical mission na nabanggit ni DN."
Napatingin ako kay Lolo. Agad niyang dinugtungan ang sinabi niya, "Don't worry, my dear apo. Hindi kita pinipilit at lalo na si DN. Kung ayaw niya, ayaw niya."
Tumango ako, saka nagkibit–balikat. "It's okay, Lolo. Hindi naman big deal."
Nakangiting lumapit si Ate at hinawakan ang kamay ko. "So, pupunta ka? Don't worry babayaran ko TF mo," pabirong sabi ni Ate Bea pero hindi ito marunong magbiro, may time na binabayaran niya ako. Hindi para sa akin kundi sa staff ko.
"Kailan ba?"
"Bukas."
Napabuntong–hininga ako. Buti na lang at wala naman akong ibang lakad. "Fine, okay. Pupunta ako pero ang TF ko," balik biro ko rin pero may halong seryoso.
Agad na nagliwanag ang mukha ni Ate, tuwang–tuwa na niyakap pa ako.
Pagkatapos ng usapan namin, nagpaalam na ako para maghanda sa interview ko. Isa 'yon sa mga kailangan kong gawin bago ako magbakasyon.
Paglabas ko ng mansiyon, hindi ko inaasahang makasalubong si DN.
Napahinto ako. Gaya ng dati, may aura pa rin siyang hindi basta malapitan—laging seryoso, laging parang may iniisip, laging malamig.
Nagkatinginan kami sandali. Hindi ko alam kung ako ang dapat unang magsalita. Pero bago pa ako makapag–isip ng sasabihin, iniwas niya ang tingin niya at nagpatuloy lang sa paglalakad.
I swallowed hard. Mukhang hindi pa rin natatapos ang tensyon sa pagitan namin, pero bago pa siya tuluyang makapasok sa loob mansiyon, nagsalita ako.
"DN."
Halos wala sa loob ko ang pagsambit ko ng pangalan niya, at hindi ko rin alam kung bakit tinawag ko pa siya, pero sapat na iyon para mapahinto siya sa paglalakad. Dahan—dahan siyang lumingon sa akin, kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, parang naiirita na naman siya na kausap ako.
"May interview ako today. Tungkol sa isyu natin." I said bluntly.
Walang bakas na kahit anong reaksiyon sa mukha niya, parang wala siyang pakialam. "So? Pakialam ko pero mabuti na rin kung magkaganoon, Trice."
Pakiramdam ko napahiya ako sa sinagot ni DN. Napayuko na lang ako . Wala man lang siyang pag–aalala kung paano ko haharapin ang media.
"Para ma–clarify na ang lahat," dagdag pa niya, saka tumikhim. "Ayoko na kasi ng paulit–ulit na tanong tungkol diyan. Ikaw, naman may kasalanan diyan, so, ikaw ang maghanap ng sulusyon."
I smiled faintly. Sa tono ng boses niya, alam kong iritado na siya sa isyu naming dalawa. Kita ko rin sa mukha niya ang kawalan ng interes.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, pilit binabago ang usapan.
Nagkibit siya ng mga balikat, na parang wala siyang kainteres–interes sa tanong ko. "Tinawagan ako ng Ate mo. Pag–uusapan namin ang medical mission tomorrow."
Marahan akong napatango. "Yeah. I'll be there. Pupunta ako, bukas." Sabi ko na pilit pinapasigla ang boses ko.
"Alam kong pupunta ka rin," aniya, medyo matigas ang tono. "Sinabi na ng Ate mo. Pero Trice, pakiusap lang, huwag kang gumawa ng gulo. Kung may magtatanong sa'yo tungkol sa atin, sumagot ka nang maayos. Ayoko ng problema, lalo pa at naroon si Angela, isa siya sa mga doktor sa medical mission."
May kirot sa puso ko na marinig ang name ng girlfriend niya. What an angelic name? Nanuyo ang lalamunan ko. Ang bilis talaga niyang maglagay ng pader sa pagitan naming dalawa.
Hindi na ako nakipagtalo pa. Mahina akong tumango. "Understood."
Tinitigan niya lang ako sandali, para bang sinisiguradong naiintindihan ko talaga ang sinabi niya. At nang makumpirma niyang wala na akong sasabihin pa, tumalikod siya at diretsong pumasok sa loob ng mansiyon—walang paalam, walang kahit anong paglingon.
Naiwan akong nakatayo sa labas, muling naramdaman ang bigat sa dibdib ko. Paulit–ulit na lang ganito. Ako ang laging humahabol, siya ang laging lumalayo.
Pagkasakay ko sa sasakyan, agad akong nagpahinga at napasanda sa headrest. Napabuntong–hininga ako, pilit inaalis ang tension sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko tuwing may usapan kami ni DN, pero mas mabuti na rin siguro na tapusin na ang issue na ito.
Maya–maya pa, huminto na ang sasakyan ko sa isang high-end na restaurant sa BGC, kung saan gaganapin ang interview. Napansin kong maraming media sa labas, halatang hinihintay nila ako. Pinaalalahanan ako ng manager ko sa text bago ako bumaba:
"Trice, stick to the plan. Be graceful. Be professional. Wag kang patola sa mga tanong."
Napangiti ako. Alam na alam kasi nito kung paano ako minsan—lalo na kapag nagti—trigger ang mga tanong ng interviewers. Kaya siguro ako nasabihan ni DN na puro kaplastikan. Sa showbiz ganoon talaga ang kalakaran kung gusto mong magtagal.
Pagpasok ko sa VIP area ng resto, nandoon na ang host,msi Ms. Tanya Cruz isang kilalang entertainment journalist. Nakatayo rin sa tabi ang manager ko, at sa gilid, si Gina, na obvious na excited pero may halong kaba sa mukha.
"Trice, thank you for your time today," bati ni Ms. Tanya habang nag–aayos ng mic. "This interview is all about your latest film, but of course, hindi pwedeng walang personal questions, right?"
I smiled sheepihsly. "I was expecting that."
Sinimulan niya ang interview sa akin, sa mga usual na tanong—about sa role ko, kung paano ako nag–prepare, at kung anong naging pinakamahirap na eksena para sa akin. Dire–diretso lang ako sa pagsagot ,nakangiti, relaxed, and in control. Sanay ako sa mga interview.
Pero dumating din tayo sa part na alam kong hindi ko matatakasan. Ito na iyon, para sa peace of mind ni DN. Hope he is watching right now.
"Now, let's talk about something that's been making waves lately. You and Dr. Dmitri Nikolai Hayes. Ano ba talaga ang real score?" Nakangiti ito ng matamis.
Nakita kong halos lumunok ng hangin si Gina sa gilid. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagtuwid ng upo ng manager ko. Alam nilang lahat na ito ang pinaka–importanteng parte ng interview—ang moment kung kailan ko lilinawin ang issue.
Nagpakawala ako ng isang kalmadong ngiti bago sumagot.
"There's nothing romantic between us," sagot ko, directly at walang paliguy–ligoy. "DN is a family friend. He's my grandfather's personal doctor. And we are just friends."
Parang ramdam ko ang collective sigh of relief ng manager ko, pero kita ko pa rin ang pag–aabang sa mukha ni Ms. Tanya.
"So, you're saying na walang kahit anong special feelings involved?" Tila may panghinayang sa mukha ni Ms. Tanya.
Dapat dito na natapos ang usapan. Dapat sinabi ko na lang na wala. Pero ewan ko ba—siguro pagod lang ako, o sadyang gusto ko lang makaganti kay DN sa laging malamig niyang pakikitungo.
Nag–angat ako ng tingin, saka may bahagyang ngiting lumitaw sa labi ko. "I like him. He's hot!" sagot ko na may pabiro sa tono ko.
Natahimik ang lahat. Literal na may ilang segundong katahimikan sa buong VIP area.
Nanlaki ang mata ni Gina sa gilid, parang gusto akong sipain at batukan. Si Ms. Tanya naman, bahagyang napaawang ang bibig sa gulat.
"Wait, what?"
Pilya akong napangiti, tila nage–enjoy sa reactions nila. Pero bago pa nila ma–digest nang buo ang sinabi ko, agad kong binawi.
"Joke lang!" sabay tawa. "I mean, let's be real—kahit sino magkakagusto, diba? That doctor is one of a kind."
Muling nanumbalik ang ingay sa paligid. Ms. Tanya laughed, and so did my manager—kahit halatang muntik na siyang atakihin sa nerbyos. Si Gina? Nakatitig pa rin sa akin, nakakunot ang noo na parang gusto akong hagisan ng bomba.
"Grabe ka dun, Trice! Pinaasa mo kami!" natatawang sabi ni Ms. Tanya. "Sa totoo niyan, nakita ko siya personal at ang masasabi ko; I love you, dok!" Pabirong sabi ni Tanya.
Nagkibit–balikat ako pero may gumuhit na kirot sa puso ko. "Just keeping things fun!"
Pero kahit pa nagawa kong gawing biro ang lahat, hindi ko maiwasang mapansin ang isang bagay—kahit ako mismo, hindi sigurado kung alin doon ang totoo at alin ang joke. Dahil nasasaktan ako, kasi gusto ko talaga siya.
Pagkatapos ng interview ay sumakay na ako sasakyan, halos pabagsak akong napaupo sa upuan. Napagod ako, hindi lang sa mga tanong kundi pati na rin sa bigat ng mga mata ni Gina na parang laser beam na gustong tumusok sa akin.
Nang biglang nag–vibrate ang phone ko. Text message mula kay DN.
"Good job. Natuwa ako at nagpasalamat. Kung ginawa mo na dati 'yan, hindi sana tayo nagkaproblema."
Napangiti ako. Kahit papano'y nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Pero habang binabasa ko ang kasunod na message ni DN unti–unting naglaho ang ngiti ko.
"Pero hindi ko pa rin gusto ang biro mo na 'You like me' at gawin 'yon kakatawanan."
Napangiwi ako. Kahit iyon lang napansin pa talaga. Alam kong palagi seryoso ang imahe niya. Hindi ako magugulat kung kanina pa siya iritable dahil sa sinabi ko.
May kasunod pang text.
"See you tomorrow. At paalala ko lang—You know our limitation, Trice. And next time stop announcing my name on TV. Ayokong mababanggit mo pang muli ang pangalan ko kahit saan. Like interview or speech na may kinalaman sa'yo. Nagkakaintindihan ba tayo, Ms. Madrigal."
Napapitik ako sa screen ng phone ko. Ang sungit. At ang Arte. Then, naramdaman kong nangilid ang mga luha sa mata ko. Ang arte niya talaga.
"Ano na naman ‘yan?" tanong ni Gina, nang sumakay sa sasakyan.
Agad kong in–off ang screen at ngumiti nang matamis sa kanya. "Wala. May nagpapaalala lang na hindi ko siya puwedeng gustohin."
"Huh? Mayroon ba noon? Lahat ng mga kalalakihan, gusto nilang gustohin mo sila."
Umiling ako! Mayroon si DN, gusto ko sanang sabihin.
"Wala!" sabay tawa ng pagak, kahit ako mismo hindi sigurado kung bakit parang ang bigat sa loob ko nang basahin ang huling mensahe ni DN.