Chapter 17 Beatrice Celestine "HEY, Princess. Wake up. We're here." Ang tinig ni DN at ang banayad na tapik sa pisngi ko ang nagpamulat sa mga mata ko. Kumurap–kurap ako bago ko naipokus ang paningin ko kay DN. "Sorry...hindi ko namalayang nakatulog ako," mahina kong sabi habang pinipilit i–focus ang paningin. He chuckled. "Huwag mong sabihin sa'kin 'yan, bumaba ka na,” aniya bago pinindot ang busina—malakas at saglit na bumasag sa katahimikan ng umaga. Napabalikwas ako sa gulat. Napaangat ako mula sa pagkakasandal, saka ko lang napansin ang sinag ng araw na tumatagos sa windshield. Umaga na pala. At ang unang tumambad sa akin—ang kapehan nila DN. Nakarating na pala kami sa Quezon. Napabuntong–hininga ako. Hindi ko man lang namalayan ang biyahe. Siguro dahil sa pagod, kaya kahit sa

