Chapter 113 Beatirce Celestine NAKATAYO ako sa harap ng salamin, halos hindi makagalaw. Matapos akong ayusan ng glam team at pinasuot sa akin ang napili ko na gown noon pero ngayon ko lang tunay na na–appreciate — kung gaano ito kaganda. Silk ang tela ng gown. Dumadaloy sa katawan ko na parang tubig sa ilalim ng buwan. Deep V neckline — classy pero may tapang. Fitted sa baywang, tapos bumubuka pababa na parang cascade ng confidence. Sa mga shoulder straps, may beadwork na kumikislap habang gumagalaw ako — parang mga bituin sa langit na bumagsak sa balikat ko. Unapologetically powerful. It felt like this gown was made not just for a woman, but for a queen — a queen who doesn't beg, who doesn't explain. Habang tinitingnan ko ang sarili kong repleksiyon, may naramdaman akong presensya s

